Mark Zambrano, Aicelle Santos at Baby Zandrine
NAPATUNAYAN na ng Kapuso celebrity mom na si Aicelle Santos na talagang “the struggle is real” sa pagpapakain ng solid food sa mga baby.
Kaya naman sa lahat ng mga young and first-time mommies diyan na hirap na hirap sa pagsi-shift mula sa pagpapadede ng sanggol patungo sa pagpapakain ng solid food, hindi kayo nag-iisa.
Kuwento ni Aicelle, nahihirapan din siyang magpakain ng solid food sa anak nila ni Mark Zambrano na si Baby Zandrine.
Nag-post siya sa Instagram ng litrato ni Zandrine na nakaupo sa high chair habang masayang lumalafang ng saging. Aniya, ang goal niya ngayon ay mapakain ang sanggol ng isang piraso ng solid food sa bawat araw.
“She simply loves my breast milk way too much because ‘dede’ is life!” ang simulang sabi ni Aicelle sa caption.
Dugtong pa niya, “We have tasted some veggies and fruits, chicken, tofu and rice. But banana and carrot always win.. my life saver!”
“It gets frustrating sometimes when she wouldn’t eat the food I prepared. Pero syempre, kalma lang. Darating din tayo diyan. Working on timing, probably food texture and making eating fun,” dugtong pa ng Kapuso singer-actress.
Kamakailan lang ay super happy na ibinalita ni Aicelle na for the first time ay nasabi ni Baby Zandrine ang salitang “mama”.
Sa isang video, makikita ang baby na gumagapang papunta sa kanyang mommy. Sey ni Aicelle sa caption, “SHE CALLED ME MAMA! Coming home from work yesterday, this is what came before me. *Heart Melted*.
“I don’t know if she’s telling or scolding me for just coming home now. I think it’s clearer now that ’Mama′ meant me, or still milk? Haaay, it’s so nice to go home, my child. We love you!” sey pa ng singer.
Ikinasal sina at Aicelle and Mark noong November, 2019, at biniyayaan nga last December ng una nilang baby.