Bakit feeling ng Popsters buntis na si Sarah G?

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

BUNTIS na nga ba ang Popstar Royalty at misis ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo?

Ito ang nagkakaisang tanong ng mga Popsters at netizens matapos mabasa ang ipinost na mensahe ni Matteo tungkol sa plano niyang pagbili ng family car. 

Sa Instagram, nagbahagi ng kanyang litrato ang actor-singer na may caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”

Dahil dito, naisip ng mga AshMatt fans na baka raw pregnant na ngayon ang Kapamilya singer-actress. 

Ang feeling nila, kailangan nang bumili ni Matteo ng bago at mas malaking sasakyan bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang baby.

“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba,” comment ng isang Popster.

“Omgee! Preggy na si Sarah G??” sabi naman ng AshMatt fan.

Sabi ng isa pang netizen, “Family means a baby on the way.”

May mga nagsabi naman na para raw ito sa isang bagong commercial ni Matteo. Komento ng netizen, “Is this another endorsement or just a hidden message to your caption?”

“Bwahahaha…. Apaka advance nating mag-isip kalma guyssss,” sabi pa ng netizen. 

Nito lang nagdaang July, isang video ang kumalat sa social media kung saan makikitang nagbo-blow ng candle sa kanyang birthday cake ang singer-actress.

At habang nag-iisip ng kanyang wish si Sarah maririnig sa video si Matteo na sumisigaw ng, “Babies! Babies, ha?” 

Bukod dito, nag-post din si Matteo ng litrato nila ng kanyang asawa na may caption na, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman!”

“Thank you for all the love. I love you forever,” aniya pa.

Ikinasal sina Matteo at Sarah noong February, 2020 na naging kontrobersyal pa dahil sa pagsugod ni Mommy Divine sa venue ng wedding.

Read more...