Grupo ni Arjo sinunod lahat ng protocols sa Baguio; 10 tinamaan ng COVID naka-quarantine na

Arjo Atayde

BRIEF and concise ang ipinadalang official statement sa amin ng head ng Feelmaking Productions na si Ellen Criste tungkol sa pagiging COVID-19 positive ni Arjo Atayde.

Ito rin ang ipinost ng film company sa kanilang Instagram account matapos kumalat ang nasabing balita sa mga entertainment at news websites.

“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.

“It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.

“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.

“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.

“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive,” ang kabuuang pahayag ng Feelmaking Productions.

Nang kumalat ang video interview ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa social media na may grupo umano ng mga artista na nagpositibo sa COVID-19 at tinukoy nito ang pangalang Mr. Atayde kaya kaagad kaming nagpadala ng mensahe sa daddy ni Arjo na si Art Atayde para tanungin kung totoo ito.

“Yes, nakaramdam ng symptoms tulad ng sa nanay niya (Sylvia Sanchez), barado ilong at masakit ang katawan, nasa hospital na,” pag-amin sa amin ni Papa Art.

Sa sinabing ito ng tatay ng aktor at sa nakasaad sa official statement na “mutual decision” ng magulang niya at ng doktor ay naisip naming may trauma pa rin sila dahil nga parehong nagka-COVID sina Sylvia at Papa Art na ilang buwan silang nasa hospital.

Siyempre pag nalaman mo ang anak mong may ganitong nararamdaman ay ang health kaagad ang maiisip kaya ‘yung sinabing “tumakas”, feeling namin ay hindi ito ang tamang salita para sa naging sitwasyon ng binata.

Nalaman din namin na si Arjo lamang ay may sintomas kaya siya umalis agad para nga naman hindi na siya makahawa.

Ka-chat namin ang tatay ni Arjo hanggang madaling araw ng MIyerkules para hintayin ang official statement nila at ang isa sa mga natanong namin ay kung bakit inabot ng two months ang shooting ng grupo sa Baguio gayung pelikula naman ito at hindi TV series.

“Pang-international ‘yung film, e, laging nahihinto kasi laging umuulan sa Baguio so hindi dire-diretso ang shooting,” kuwento ni Papa Art.

Isa raw ang aktor sa producer ng pelikula gamit ang sariling produksyon na Feelmaking Productions kasama ang mga taong bumuo ng series niyang “Bagman” na Rein Entertainment kabilang na sina Direk Shugo Praico at Dire Lino Cayetano na mayor ng Taguig City ngayon at mula sa direksyon ni Avel Sunpongco.

Sumusunod daw ang grupo sa ipinatutupad na health protocols ng gobyerno, sa katunayan

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay naka-monitor ang magulang ni Arjo sa kalagayan niya, “Mahusay ‘yung gamot na ibinigay sa kanya,” ang sabi ni Papa Art.

Mula sa BANDERA, hangad namin ang agarang paggaling mo Arjo.

Read more...