Kylie nagpaka-wild sa ‘The Housemaid’, aprubado kaya kay Jake?

Jake Cuenca at Kylie Verzosa

FEELING lucky ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa dahil finally ay nakatrabaho na niya ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose.

Magkasama sila sa Philippine adaptation ng hit Korean psychological thriller movie na “The Housemaid” under Viva Films, directed by Roman Perez, Jr..

Ani Kylie, talagang iniidolo at nirerespeto niya ang multi-awarded actress at ang makasama ito sa launching movie ay maituturing niyang dream come true.

“Yung makasama ko lang po si Miss Jaclyn and si Kuya Albert (Martinez) si Louise delos Reyes, and si Miss Alma Moreno, sobrang nakakataba ng puso.

“I’m eternally grateful and it’s such an honor talaga to be acting alongside them. Hindi niyo lang alam, sobrang kinikilig ako every time may scene ako with Miss Jaclyn.

“Sinasabi ko talaga sa make-up artist ko, ‘Uy, picturan mo ‘yan, bilisan mo,” ang pahayag ng girlfriend ni Jake Cuenca sa nakaraang virtual mediacon ng “The Housemaid.”

Mensahe naman ni Jaclyn sa Pinay Miss International, “Thank you for the kind words, Kylie. I know this is your biggest break so I wish you all the best and good luck sa movie.

“Sigurado ako na magugustuhan ng tao yung pelikula kasi ibang-iba yung timpla niya, interesting to watch,” aniya pa.

Samantala, bilib na bilib naman si Direk Roman Perez, Jr., dahil game na game nitong ginawa ang lahat ng mabibigat at maiinit na eksena sa movie.

“Nakaka-proud! Ginawa niya ang lahat, talagang tumalon siya sa apoy para sa pelikulang ito. Maraming-maraming salamat kay Kylie dahil sa pagtitiwala niya,” sey ng direktor.

Sabi naman ni Kylie na talagang “wild” ang ilang mga eksena niya sa pelikula, “Nagawa naman natin lahat pero siyempre as an actress, I still have few restrictions.

“Nagawa namin lahat ng scenes. May mga hindi lang kami nagawa per scene pero yung essence ng scene, yung point ng scene, at yung lesson ng scene, nagawa namin lahat. Same lang siya,” chika ni Kylie.

Ano naman ang reaksyon ni Jake sa bago niyang pelikula, “With regards to Jake po, I really consider him as my mentor. Sa kanya ako pumupunta kapag may mga advice ako. Minsan nga siya talaga yung tinuturing kong acting coach.

“Siya rin yung isa sa mga tao na nag-convince sa akin na ‘gawin mo yan, magandang project yan.’ At for sure sasamahan niya talaga ako na panoorin ito kasi sobrang supportive talaga ni Jake sa career ko,” aniya pa.

Eksklusibong mapapanood na ang “The Housemaid” sa Vivamax simula sa Sept. 10.

Read more...