Iya pinatawad pa rin ni Drew kahit matindi ang kasalanan: Naka-jackpot ako sa asawa ko!

Drew Arellano at Iya Villania

FEELING ng Kapuso actress-TV host na si Iya Villania ay naka-jackpot talaga siya nang maging dyowa si Drew Arellano.

Grabe raw kasi ang unconditional love na ibinibigay sa kanya ng asawa kahit na nga may nagagawa siyang mga sablay sa kanilang relasyon.

Hinding-hindi makakalimutan ni Iya ang isang eksena sa pagitan nila ni Drew noon kung saan nakagawa raw siya ng matinding kasalanan.

“Let’s just say na nagkamali ako in my relationship with Drew. Meron akong sablay na nagawa. Tapos sabi niya ‘If you were me, what would you do?'” pahayag ng TV host sa nakaraang episode ng “Mars Pa More.”

Pag-amin ng Kapuso star, sa sobrang lala ng nagawa niya ay pwede talaga siyang hindi mapatawad ng asawa at baka raw hiwalayan pa siya.

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘If I were you, I’d breakup with ‘me.’ Tapos hagulgol ako, cry, cry, cry, kasi siyempre sabi ko ‘I don’t deserve you,'” pag-alala ni Iya.

Ngunit sa kabila nga nito, napatawad pa rin siya ni Drew dahil mahal na mahal pa rin daw siya nito at handa siyang kalimutan ang lahat ng nangyari.

“Alam mo kung ano ang sabi niya sa akin? Sabi niya ‘Call me this or call me that, but I still have faith in you,'” kuwento pa ni Iya.

Hirit pa niyang sabi, “Naka-jackpot ako! That’s really when I felt now, ‘Wow okay, this is unconditional love because he still knew where my heart was. 

“He still knew me despite the mistakes that I had made. And not just once, but thrice. ‘I’m still willing to love you,” aniya pa.

Taong 2014 nang ikasal sina Iya at Drew at biniyayaan ng tatlong anak —  sina Primo, Leon at Alana. 

Read more...