Paulo sa muling pagsabak sa lock-in taping: Pinakamahirap na part yung naho-homesick ka

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

AMINADO ang award-winning actor na si Paulo Avelino na tinatamaan din siya ng kalungkutan dulot ng pagka-homesick kapag nasa lock-in taping.

Isa raw ito sa mga challenges na hinaharap ng buong production ng bagong Kapamilya romcom series na “Marry Me Marry You” na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez.

“This is actually my second show na naka-bubble. It takes time to adjust because that one right after pandemic nag-Subic na kami, naka-lock in na kami du’n. 

“It’s hard even though lessened yung work hours but yung 12 hours na yun ratsada yun na nonstop working. May breaks naman. 

“The hardest part actually is not like being on the bubble and working almost everyday. The hardest part is sometimes you get homesick,” ang pahayag ng aktor sa chikahan nila ni G3 San Diego sa Instagram live.

“Kaya ang saya rin nu’ng last (series) namin. I’m very grateful to our cast during Walang Hanggang Paalam and now kasi parang when they see na you are sad now sila yung umaalalay sa ‘yo and they try to make you happy and they find means to take your sadness away,” chika pa ng binata.

Nabanggit din ng Kapamilya leading man na refreshing para sa kanya ang makagawa uli ng romcom dahil sunud-sunod ang mga ginawa niyang serious at drama projects.

“It’s different because as an actor sometimes the shows you do affects you in a way especially if you’re doing it for so long. 

“Parang if you do a show na baliw ka for a year, parang at some state in your life nadadala mo talaga. Nagiging baliw ka na rin in a way. Ha-hahaha! It’s nice to do a rom-com for a change of pace. 

“A lot of new co-workers here that I haven’t worked with before. And parang good vibes naman tayo. Kumbaga ang hirap na ng past two years eh so pagaanin na muna natin para sa mga manonood,” aniya pa.

Tungkol naman sa working relationship nila ni Janine bilang bago niyang leading lady, “She’s really fun to work with. Walang kaproble-problema. She’s always happy all the time for some reason so nakakadala rin yung happiness niya. She’s very smart and easy to work with.” 

Hindi pa nila natatapos ang buong serye dahil natigil nga ang kanilang taping matapos ipatupad muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at ilang probinsya.

“After the ECQ we’re going to go back sa bubble to finish more scenes,” sey pa ni Paulo.

Read more...