Enchong Dee at Claudine Bautista
NAG-SORRY ang Kapamilya actor na si Enchong Dee kay Congresswoman Claudine Diana “Dendee” Bautista dahil sa maaanghang na salitang ibinato niya laban sa public official.
Naging hot topic kasi sa social media ang bonggang wedding ni Bautista na siyang representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER party-list.
Hindi nagustuhan ng madlang pipol ang pagpapakita ng karangyaan ni Bautista sa kanyang kasal sa gitna ng pandemya. Ginanap ang engrandeng wedding sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon.
Isa nga si Enchong sa mga celebrities na bumatikos sa kongresista, aniya, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”
Ngunit kahapon, nag-tweet ang aktor para humingi ng paumanhin sa kongresista. Deleted na rin ang nauna niyang tweet.
Mensahe ni Enchong, “I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment.
“With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist.
“I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause,” pahayag ng binata.
Dagdag pa ni Enchong, sa mga susunod na pagkakataon ay mas magiging responsable na siya sa paggamit ng social media.
“I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news.
“I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions,” ang bahagi pa ng public apology ng aktor.