Kristine, Oyo emosyonal sa 13th b-day ng anak; sinupalpal ang intrigerang netizen

IBINANDERA ng dating aktres na si Kristine Hermosa ang pagmamahal sa anak na si Kiel na kasalukuyang nagse-celebrate ng kanyang 13th birthday.

Sa kanyang Instagram post, dama ang pagmamahal at sinseridad sa pagbati nito sa kaarawan ng anak.

“Walang aksidente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin.. na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang. Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings,” umpisa ng dating aktres.

“You are a good and obedient son, Kiel.. don’t forget that. God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do. Happy 13th birthday, Kiel. We, your family, are just here for you,” pagpapatuloy niya.

Masaya at proud ito kay Kiel at sa lahat ng ginagawa ng binata. Dagdag pa niya, ang mga nakababatang kapatid nito ay ginagaya siya kaya sana ay magabayan itong mabuti bilang siya ang panganay na anak.

Sa separate post naman ni Oyo Sotto, nagpapasalamat ito sa Diyos sa buhay ng anak.

Para sa kanya, isang malaking blessing si Kiel sa kanilang buhay. At kahit hindi siya perpektong ama, nawa’y palagi nitong tandaan na mahal na mahal siya nito,

“I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you,” bati nito sa anak.

Ngunit kahit gaano kasaya ang pamilya, hindi pa rin maiiwasan na may mga basher sa paligid.

Agad namang sinupalpal ni Oyo ang isang netizen na tila hinaluan ng pang-iintriga ang pagbato kay Kiel.

Comment ng netizen, “Anak yata ni Kristine to sa ibang lalaki happy birthday Kiel.”

Nakuha naman ng netizen ang pansin ni Oyo na agad nag-reply sa comment nito na, “Babati na lang po kayo, mali pa ang chismis. Walang ibang anak ang asawa ko sa ibang lalaki. Mag research po kayo ng maigi o kaya naman magbasa po kayo.”

May ilang netizens rin ang nagreply sa post at sinabing huwag na lamang itong pansinin ng dating aktor.

Bukod kay Kiel, may apat pang anak sina Kristine at Oyo na sina Ondrea, Vin, Kaleb, at ang newest addition sa pamilya na si Baby Isaac.

Read more...