Bitoy sa mga ayaw magpabakuna: Ang COVID vaccine ay hindi perpekto, pero epektibo

Michael V

NANINIWALA ang Kapuso TV host-comedian na si Michael V na karapatan ng bawat Filipino na tumanggi o umayaw pagdating sa issue ng pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa bagong vlog ni Bitoy sa YouTube, pinaalalahanan niya ang publiko tungkol sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine kasabay ng pag-alala sa naging experience habang nakikipaglaban noon sa nakamamatay na virus.

Dito, ibinandera ng komedyante at direktor ang 100% na suporta niya sa vaccination drive ng gobyerno. Fully vaccinated na siya (Oxford-AstraZeneca) pati na ang kanyang pamilya.

Pahayag ni Bitoy sa nasabing vlog, “Until now marami pa rin ang hindi naniniwala sa vaccine.

“Siyempre, iba-iba ang paniniwala ng mga tao at kailangan nating respetuhin ang mga kapwa natin.

“Pero kami kasi ng pamilya ko, alam namin na ang COVID vaccine ay hindi perpekto, pero epektibo. Alam namin pinag-aralan ‘yan ng mga qualified na mga tao.

“When I say qualified, ‘yung talagang marurunong hindi ‘yung mga nakabasa lang ng kung anu-ano sa internet, nagdudunungan na,” lahad ng Kapuso comedian.

Aniya pa, “Ang World Health Organization meron global vaccine action plan. Global ha! Buong mundo, at ang tina-target nila mabakunahan ay more than 80 percent ng lahat ng tao sa buong mundo.

“Kaya kung hindi magpapa-vaccine, kasama ka du’n sa less than 20 percent. Ibig sabihin wala ka sa majority, nasa minority ka.

“And remember, walang pumipilit sa inyo na magpabakuna. Ang sinasabi ko lang, e, kung mahilig kayo bumiyahe, tsumika, mag-party, asahan n’yo na magkakaroon ng inconvenience in the future,” ang dagdag pa niyang paalala sa mga Filipino na hanggang ngayon ay may agam-agam pa rin sa pagpapabakuna.

Dagdag pang chika ni Michael V tungkol sa COVID vaccine, “Actually, may nabasa pa akong comment, ‘God will protect me from the virus.’

“Totoo yan! Pero kagaya du’n sa sinabing napanood kong movie kapag nag-pray ka kay Lord na kailangan mo ng pera, hindi siya bababa mula sa langit na may dalang wallet, ‘tapos tatanungin ka, ‘Ah, magkano ba kailangan mo?’

“’Pag nag-pray ka sa Kanya to protect you from the virus, I believe that He will give you the opportunity na protektahan ang sarili mo at paano mo gagawin yan?

“’Di ba, may kasabihan din na, ‘God is everywhere’? So, when you look around you, nandiyan na ‘yung sagot.

“Everywhere you look, you will see people wearing face mask, face shield, people washing their hands and sanitizing themselves. And most of all, people who are getting and giving vaccines.

“Nandiyan na sa paligid mo ‘yung ipinagdarasal mo, all you have to do is open your eyes, open your mind, and acknowledge,” ang mariin pang pahayag pa ng “Bubble Gang” star.

Read more...