Kris Bernal
MAY mga gabing hindi nakakatulog ang actress-businesswoman na si Kris Bernal dahil sa pag-aalala sa kahihinatnan ng kanyang mga negosyo.
Ngayong ipinatutupad na naman ang mas mahigpit na community quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo na sa National Capital Region, siguradong malaki na naman ang epekto nito sa mga business owner.
At isa na nga riyan si Kris na talagang ginagawa ang lahat para hindi magsara ang kanyang mga negosyo, kabilang na ang Korean restaurant niyang House of Gogi at makeup line niyang SHE Cosmetics.
Ayon sa freelance actress, napakahirap para sa isang negosyanteng tulad niya na may 17 empleyado ang ipagpatuloy ang kanyang mga business ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya at wala pa ring kasiguruhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.
Sa isa niyang Instagram post, ibinahagi ng dalaga na sa kabila ng lahat ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay para na rin sa kanyang pamilya at sa mga taong umaasa sa kanya.
“When virtual meetings are life. I don’t know about you, but all I’ve been doing in lockdown is come up with a new business idea. So much in my mind.
“But behind my ‘pigang-piga’ creative juices, I’m currently at a situation too where it’s so difficult for my existing businesses to survive,” pahayag ni Kris.
Nagpapasalamat naman ang aktres sa mga loyal customers at clients nila ngunit aminado siya na hindi pa rin sapat ang pumapasok na pera sa bawat araw ng kanilang operasyon para sa mga gastusin.
Patuloy pa niyang mensahe, “The businesses are still there. I have incredible customer loyalty, but I didn’t have the quantity of individuals I needed for a day to keep my 17+ employees.
“All these factors weigh me down lately and cause sleepless nights plus the news hits harder every single day!” aniya pa na ang tinutukoy nga ay ang patuloy pa ring pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Siniguro naman ng aktres na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa patuloy na operasyon ng mga negosyong nasimulan niya sa tulong na rin ng kanyang nanay at kapatid, pati na ng kanyang fiancé businessman na si Perry Choi.
“Anyway, just trying to ease my way in the discomfort by spending wholesome moments with my mom and brother at home. I miss my fiancé too whom I haven’t seen in over a month,” sabi pa ni Kris.