Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

IKINUWENTO nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang unang pagkikita nila sa first episode ng kanilang “Figure It Out” podcast na mapapakinggan sa Spotify.

Agad raw nag-click ang personality ng dalawa habang nagkakaroon ng getting-to-know-each-other moment.

Amin pa nila, meron talaga silang deep connection ngunit hindi pa tama ang oras para sa kanila.

“Maybe I was looking for someone to keep me company during that time but not on a level that you guys think. Siguro nga kasi I liked how we talked that night so when you asked for my number, I gave it because I really wanted to talk to you but then I told him right away na, ‘Hi, I’m kinda trying to pat h things up with (laughing) my ex,” amin ng aktres.

Chika rin ni Gabbi, pinapaalala niya palagi kay Khalil na ‘off-limits’ siya dahil noong mga panahon na ‘yun ay sinusubukan pa niyang ayusin ang relasyon sa dating boyfriend.

“I was super struggling and he was like sharing his thoughts about his past relationships, about what he went through. It kinda actually helped me cope,” pagpapatuloy pa ng aktres.

“Naayos ko ‘yung perception niya sa buhay. I healed her wounds that time tapos ayun, nakipagbalikan siya,” kuwento naman ni Khalil.

“So, ghinost kita,” tumatawang sabi ni Gabbi sabay bawi.

Pinagdiinan naman ni Khalil na na-ghost nga siya ng dalaga na dineny lang nito.

“Parang towards the end of our conversation, we were so busy na with each other’s lives. Di na masyadong connected noong dulo.

“He has his own stuff to do, I have stuff to do so slowly, it’s fading away,” pagpapaliwanag ng dalaga.

Ngunit matapos ang dalawang taon, muling nag-krus ang landas ng dalawa.

Taong 2017, nagkaroon ng movie si Khalil na “2 Cool 2 be 4gotten” na gustong panoorin ni Gabbi.

Nahirapan ang dalaga na maghanap ng tickets kaya tinext nito ang aktor kung makakakuha siya ng tickets para sa pelikula.

At doon na nga muling nagsimula ang love story ng dalawa. Hindi na muling nahinto ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa maging sila.

“God gave us a glimpse of how we are to each other noong 2015 and maybe it wasn’t really the right timing. We have so much to figure out individually, so it was just the right timing noong 2017,” ani Gabbi.

Nagkakilala sina Khalil at Gabbi sa 18th birthday party ni Julia Barretto noong 2015 kung saan pinakilala siya ni Kathryn Bernardo sa kaibigan nitong si Khalil na aminadong naging interesado agad kay Gabbi nang unang makita ang dalaga.

Read more...