UMIIYAK ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi habang nagkukwento sa kaniyang kasalukuyang kondisyon sa YouTube vlog nito.
Ayon sa aktres, nahihiya siya sa mga staff at crew ng “Las Hermanas” dahil made-delay ang taping nila dahil sa kanya.
Sumama kasi ang pakiramdam ng aktres habang nasa lock-in taping ito sa Pampanga.
“Ang nangyari sa akin, nagkaroon ako ng sipon. Sobrang congested ng nose ko. The next day, bigla na akong inuubo na dry cough. And then the whole day yesterday, nagka-LBM ako. Like super duper diarrhea,” lahad nito.
Ininform na raw niya ang executive producer ng show na may symptoms siya dahil nagwo-worry ito sa mga eksena na dapat i-shoot.
“Sobrang nahihiya ako sa production dahil nagkasakit ako,” umiiyak na sabi ng aktres.
Dapat umano ay may taping siya ng araw na iyon ngunit pinayuhan siya na magpahinga na lamang at magpagaling.
Para na rin sa safety at peace of mind ng lahat, nagkaroon rin ng RT-PCR ang aktres.
Kahit na may sakit ay sinubukang aktres at ng kasama niyang si Chabs na maging masaya habang hinihintay ang resulta ng swab test.
Hindi naman ng aktres na i-monitor ang kalagayan dahil tatlong araw na at may sakit pa rin ito.
May protocol kasi sila na bawal mag-taping kapag may lagnat para na rin sa seguridad ng lahat.
Nagpadala naman ang asawa at anak nito ng mga honey, lozenges, at flowers, para sa aktres.
Nagpadala rin ng mga soup, lemons, pineapple juice, at snacks ang mga kasama niya sa teleserye na sina Thea Tolentino at Madeleine Nicolas.
Lubos naman ang pasasalamat ni Yasmien sa mga kasamahan at production dahil todo alaga ito sa kanya at hindi siya pinapabayaan habang may sakit siya.
Naisipan naman nila Yasmien at Chabs na mag-“Taste test” upang libangin ang sarili at i-check kung may panlasa pa sila dahil kasama ang mga ito sa sintomas ng pagkakaroon ng COVID-19.
Matapos ang kanilang laro, masaya ang dalawa dahil negative ang naging resulta ng swab tests nila.
Sa sumunod na clip ay magaling na ang aktres at ready na sa taping. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong hindi siya ponabayaan at patuloy siyang inalagaan sa panahon na may sakit siya.
Lesson learned para sa aktres na iwasan ang self-medication at agad na kumumsulta sa doktor kapag may nararamdaman.
Dagdag pa niya, alagaan ang sarili at uminom ng maraming tubig.
Hinikayat niya rin madlang pipol na magpabakuna konta COVID-19 at ‘wag matakot dahil proteksyon ito laban sa sakit.