Cassy proud working student, nag-aaral habang nasa lock-in taping: Stressful but fun!

Cassy Legaspi

GAGAWIN ng Kapuso actress at TV host na si Cassy Legaspi ang lahat para makatapos ng pag-aaral at makakuha ng college diploma.

Ayon sa dalaga, isa ito sa mga ipinangako niya sa mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi noong magdesisyon siyang pasukin na ang mundo ng showbiz.

In fairness, kahit busy sa pagtatrabaho, nagagawa pa rin ng Kapuso star ang mag-aral. Second year college na siya ngayon  sa kursong Business Marketing.

“Honestly, yung parents ko. They’re the biggest motivation. I’m doing this for them. Kasi I want to make them proud na, I want to, I guess, finish their dreams kasi my parents didn’t get to graduate in college.

“So sabi ko, ‘Sige, ako na lang gagawa nun for you guys.’ So ayun po,” aniya.
Sabi pa ng twin sister ni Mavy Legaspi, ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ang isa sa kundisyon ng mga magulang noong payagan na siyang mag-showbiz.

“That was part of the agreement before we sign with Artist Center na, ‘Okay, gusto niyo maging artists? Okay, puwede, but don’t let go of your education.’

“Siyempre po, okay naman po ako sa deal. I have nothing to lose. So we agreed to it right away,” pahayag ng aktres.

Kuwento ni Cassy, habang nasa lock-in taping siya noon ng kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7, ang primetime series na “First Yaya”, ay tuloy pa rin ang pag-attend niya ng online class.

“Nu’ng nasa lock-in ako, I was thinking kasi if I should take time off school pero na-realize ko, ‘Hindi, kaya ko iyan, kaya ko iyan!’

“Well, at least, kinaya ko naman. So during lock in, I was also doing school work. So during breaks, I would write yung mga papers ko, nagte-test ako,” aniya pa.

Nagpapasalamat din siya sa mga co-stars niya sa serye lalo na sa dating child star na si Clarence Delgado, dahil sa pagtulong sa kanyang mga class projects.

“There was this time na si Clarence, yung brother ko sa First Yaya, he had to film me for my finals project na naka-get-up ako ni Nina Acosta (role niya sa First Yaya). 

“Sabi ko, ‘Bahala na, mage-gets na yun ng teacher ko, basta kailangan ko mag-pass ng finals ko.’ If you really want to do something, you will do anything to get it,” chika pa ng proud working student sa nakaraang virtual mediacon para sa bago niyang endorsement.

Aminado naman ang youngstar na napakahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, “Stressful, stressful but fun. Well alam ko naman na it will all be worth it in the end especially juggling work and school.

“Not everyone can say, I guess, that they do that. More of, like, I know that this will be a good achievement in the end.”

“When I first entered college, parang hindi pa po ako full-blown artista or something. So okay, easy-easy pa rin siya. And then, eventually, I think what made it hard was the pandemic. I’m sure it was hard for all of us adjusting to online.”

Payo pa niya sa mga kapwa working students, huwag susuko sa laban at matuto ring magpahinga at mag-recharge, “Yung dance lessons ko was after First Yaya. So I just make sure to schedule it properly, especially with yung mga singing lessons ko.

“But I always make sure na I’m not too tired kasi healthy should be the number one priority. Siyempre, in this pandemic, naku we can’t lower our immune system.

“So ayun po, I just make sure to rest all the time, kung may time. I guess, this is super cliche but learn to rest kasi it’s really tiring to work and at the same time go to school.

“Especially, those students who provide for their families. Naku, super saludo ako sa inyo lahat, my gosh.

“But always make sure to rest and learn to recharge para you won’t really dread working and going to school. Deserve niyo iyan, guys, promise!” mensahe pa ni Cassy.

Read more...