Alden Richards, Gladys Reyes at Christopher Roxas
MULING nanawagan ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa sambayanang Filipino na magpabakuna na kontra-COVID-19.
Sa gitna ng patuloy na banta sa bansa ng killer virus, lalo na ang pagdami ng nahahawa ng Delta variant, hinikayat ng Kapuso Drama Prince ang lahat ng Pinoy na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.
Ito’y para na rin sa kapakanan ng bawat pamilyang Pinoy na magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
Kuwento ni Alden sa panayam ng GMA, talagang inatake siya ng matinding pag-aalala nang mahawa at tamaan ng COVID-19 ang kaibigan niyang madalas niyang nakakasama.
“Last August 2020 kinabahan po ako, tsaka siyempre nag-worry po ako nang sobra kasi ‘yung lagi ko pong kasama ay nag-positive sa COVID-19,” pahayag ng Kapuso star.
Aniya pa, “Kaya nga po after ng 10-day isolation period at sabi ng doktor na cleared na siya at COVID negative na po, na-realize po namin kung gaano kaimportante ang magpa-Resbakuna.”
Isa si Alden sa mga local celebrities na sumusuporta sa kampanyang “Resbakuna” ng Department of Health.
Sa isang DOH infomercial, ipinagdiinan ng binata na mas mapapadali ang pagsugpo ng bansa sa COVID-19 kung bakunada na ang halos lahat ng Pinoy.
Sa video message ni Alden ibinandera rin ang good news na umabot na sa 10 milyon ang mga Filipino na fully-vaccinated.
“Marami pa po tayong mga hihikayatin na tumulong sa ating kampanya para maabot natin nang mas mabilis ang 50% population protection at patungo sa ating herd immunity target,” ayon naman kay DOH Sec. Francisco Duque III.
Last month, ibinahagi ni Alden sa publiko na natanggap na niya ang kanyang COVID-19 vaccine.
Samantala, may warning din ang Kapuso actress na si Gladys Reyes sa lahat ng Pinoy matapos maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine last week.
Nag-post ang magaling na kontrabida sa Instagram ng mga litrato at video tungkol sa kanyang vaccination experience.
Sey ni Gladys sa caption, “Fully vaxxed at last!! After three mos. of waiting, got our second dose of Astrazeneca (yes it took that long, ganu’n daw talaga pag Astra).
“Still we can’t be complacent even if we’re vaccinated because we can still get sick if we’re not careful.
“Let’s do our part to protect ourselves and our loved ones. God is in control,” paalala ng celebrity mommy.
Isa sa mga followers ni Gladys ang nag-post comments section, ani @isha_cf, “Ingat pa din sis kahit vaccinated na na po. Most sa kasamahan ko nagpositive sa covid kahit vaccinated na.”
Sagot ng aktres, “Yes di pa rin dapat kampante.”