Kristine todo puri kay Oyo: Thank you for always standing by me, payat man o mataba ako, may lash extensions man o wala…

Oyo Sotto, Kristine Hermosa at Baby Isaac

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Kristine Hermosa-Sotto sa Panginoong Diyos pati na sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Oyo Sotto.

Matapos isilang ang ikalima nilang anak, isang appreciation post ang ibinahagi ng aktres para kay Oyo dahil sa pagiging mabuti at tapat na asawa at bilang isang responsableng ama.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Tintin ng litrato nilang mag-asawa na kuha sa ospital kung saan niya ipinanaganak si Baby Vittorio Isaac.

Aniya sa caption, “Thank you Lord God for giving us the ability to produce and bring life to a beautiful human being…

“Thank you Lord for your faithfulness and protection.

“Maraming salamat sa napakabuti kong asawa @osotto thank you for always standing by me through the years–payat man o mataba ako, haggard man o hindi masyado, may lash extensions man o wala, okay sayo lahat basta magkasama tayo..

“Thank you sa lahat ng pag-aalaga, Hun.. I love you,” mensahe pa ng celebrity mom para sa kanyang hubby.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktres ang doktor na nakasama at nakaalalay lagi sa kabuuan ng kanyang pregnancy journey.

“At sa pinaka-maganda naming doctor @ebp513, maraming maraming salamat po Doc for believing, praying, and rejoicing with us since day 1 and baby #1.

“Salamat sa pagmamahal Doc. Napkabait ng puso mo. We love you so much!!!” pahayag ng napakaganda pa ring misis ni Oyo.

May message rin si Tintin para kay Baby Isaac, “To our newborn Vittorio Isaac, you are a beautiful blessing and another reminder of His faithfulness. You are a miracle. Your siblings adore and love you. #VittorioIsaac #8.3.2021 ”

Nitong nagdaang Aug. 3 isinilang ni Tintin si Vittorio Isaac, ang 5th baby ng celebrity couple. Agad ibinahagi ni Oyo sa IG ang litrato nila ni Tintin kasama si Baby Isaac at nilagyan ng caption na, “Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!

“Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga.

“To my family and friends, thank you for all your prayers, i love you. Welcome to the world Vittorio Isaac! i love you @khsotto,” mensahe pa ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Ang apat pang anak nina Oyo at Tin ay sina Ondrea Bliss, Kristian Daniel, Kaleb Hanns at Marvin Valentin II.

Read more...