#IkawNaSakalam: Rihanna certified bilyonarya na ayon sa Forbes

Photo from Reuters

ITINANGHAL bilang “richest woman musician” si Robyn Fenty o mas kilala sa buong mundo bilang Rihanna na siyang nagpasikat ng mga hit songs na “Umbrella” at “Love The Way You Lie”.

Ayon sa Forbes magazine, halos nasa $1.7 billion ang net worth nito ngunit hindi lang mula sa paglikha ng musika ang yaman nito.

Sa ulat ng Forbes, ang halos $1.4 billion ng kanyang pera ay mula sa kinikita nito sa kanyang cosmetic brand na Fenty Beauty.

At ang natitira naman ay mula sa kanyang shares sa Savage x Fenty lingerie company at mula sa kinikita niya bilang isang singer at aktres.

Noong Setyembre 2017 nang inilunsad ni Rihanna ang cosmetic brand na Fenty Beauty. Agad naman itong nakilala at nagmarka dahil sa broad inclusivity ng mga produkto nito na pwedeng-pwede sa kahit anong skin tone mapa-babae man o lalaki.

Pumapangalawa naman ang singer-actress kay Oprah Winfrey bilang richest female entertainer base sa Forbes. — Reuters

Read more...