John Estrada at Ellen Adarna
NAGSALITA na ang fiancèe ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna tungkol sa kinasasangkutan nitong bagong kontrobersya na may konek sa umano’y pagwo-walkout niya sa taping ng isang sitcom sa TV5.
Negang-nega ngayon ang dating sexy star dahil sa mga naglabasang chika hinggil sa bigla niyang paglayas sa last taping day ng programang “John en Ellen” na napapanood sa TV5.
Imbiyerna umano ang buong production ng nasabing comedy show dahil bigla na lang daw umalis ng taping (sa Laiya, Batangas) si Ellen nang walang kaabug-abog kaya hindi raw natapos ang huling mga eksena para sa season finale.
Ngunit sa isang panayam, dinenay ng leading man ni Ellen sa sitcom na si John Estrada (na isa rin sa mga line producer) ang chika. Aniya, pack-up na raw talaga ang aktres nang umalis ito.
Kasunod nito, nilinaw din ng manager ni Ellen na si Danel Calixto na walang walkout na naganap sa taping.
May interview din ang komedyanteng si Long Mejia na isa sa mga cast members ng programa kung saan pinatotohanan nito na nag-walkout nga raw ang future wifey ni Derek Ramsay.
Ngayong araw, sa Instagram page ni Ellen, may isa siyang follower na nagtanong kung totoong tsinugi na siya sa kanyang comedy show. Sinundan ito ng mga maaanghang na komento mula sa iba pang netizens.
Ayon sa ilang nagkomento, hindi raw tama ang ginawang pagwo-walkout ni Ellen sa taping dahil kawawa naman ang production staff na umaasa sa kinikita nilang arawang sahod.
May nagsabi naman na sana’y inintindi at nakipag-usap nang maayos ang aktres sa management at hindi basta nagwo-walkout.
Ngayong araw, sinagot nga ni Ellen ang issue at sinabing sumusunod lamang siya sa batas at protocols na ipinatutupad sa lock-in taping.
Paliwanag ni Ellen sa kanyang IG post, “There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented.
“I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you).
“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical,” pahayag ng aktres.
Paglilinaw pa niya, “I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too).
“I guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo.
“I think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1,” diin pa ni Ellen Adarna.