Arci Muñoz nakiusap sa madlang pipol na magpaturok na ng COVID-19 vaccine

Arci Munoz

KAHIT anong pilit ay hindi inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) reservest na si Arci Muñoz na merong something romantic sa kanila ni Besfren ng Bayan  Foundation President Renan Ponce Pascual-Morales.

“Wag na po natin haluan ng chismis,” pakiusap niya.

“We want to encourage you to promote this advocacy of ours kasi nga we want people to be vaccinated.

“This is my duty and responsibility as ambassador of DILG’s  Disiplina Muna and Besfren ng Bayan  Foundation of which Renan Ponce Pascual-Morales is the founder,” pahayag ng actress.

Nakausap namin ang dawala sa Shanghai Saloon sa The Podium sa Ortigas last week.
Ang pinakamabigat na adbokasiya nila ay ang hikayatin ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19. 

Bespren Ng Bayan Foundation is not only limited in promoting  vaccination in the country, tumutulong din sila sa mga rape victims, mga may substance disorder, alcoholic, internet addicts, drug addicts, at mga taong may mental health problems o mga mentally challenged individuals.

* * *

Palagi nang online ang ABS-CBN para sa lahat ng subscribers nito dahil gagawin nang 24/7 at available sa mas maraming bansa ang paboritong shows at movies sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ito ang libreng regalo ng Kapamilya Online Live sa unang anibersaryo nito bilang pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na kumakapit sa mga palabas ng ABS-CBN saan man sila sa mundo.

Kaya naman sa YouTube, buong araw at buong linggong tuloy-tuloy na entertainment ang mapapanood sa buong Pilipinas at sa higit 180 bansa.

Lalo ring aapaw ang aksyon, drama, saya, at kilig dahil bukod sa livestreaming ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag,” at “La Vida Lena,” pwedeng ulit-ulitin ang pinakahuling episodes ng mga ito sa loob ng pitong araw.

Mas masaya at exciting din ang kwentuhan kasama ang ABS-CBN stars at iba pang live viewers sa parehong Facebook at YouTube. Pwedeng makipag-chikahan sa live chat section, makisali sa gap shows na eere tuwing commercial breaks gaya ng “Showtime Online” at “iWant ASAP,” at maging bahagi ng virtual studio audience ng “It’s Showtime.”

Read more...