Apo ng pinakamatandang mambabatok umalma: ‘Warning! Whang Od Academy is a scam!’

Apo Whang-od

 

INIREKLAMO ng mga kaanak ng sikat na sikat na Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-od ang isang online learning platform.

Ito’y matapos makarating sa kanilang kaalaman na ginagamit umano ng Nas Academy ang pangalan ng sinasabing “last and oldest mambabatok” o traditional Kalinga tattooist sa bansa.

Dahil dito, tinanggal na ng nasabing online learning academy ang ino-offer nilang courses kung saan nakasulat nga ang pangalan ni Whang-od bilang tagapagturo.

Tinawag ng apo ni Whang-od na si Gracia Palicas na scam daw ang sinasabing partisipasyon dito ng kanyang lola kasabay ng pagbibigay ng warning sa mga nagbabalak na mag-sign up sa nasabing kurso.

Sa nasabing Facebook post (na deleted na ngayon) sinabi ni Gracia na wala silang alam tungkol sa paglahok ni Whang-od sa kursong “Learn the Ancient Art of Tattooing” ng Nas Academy .

“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam. My grandmother did not sign any contract with @NasDaily to do any academy,” ani Gracia, na isa ring tattoo artist.

Aniya pa, “Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang Od and the Butbot Tribe.”

Isa namang blogsite sa Facebook ang nag-post ng karagdagang pahayag ni Gracia tungkol sa issue na burado na rin ngayon.

“I spoke to her (Whang-od) and she said she did not understand what the translators were saying.

“Am sorry to tell you that she will not be joining the @nasdaily. I know you have good intentions of sharing our culture to the next generation.

“However, our village concern is that some people are profiting and (exploiting) our culture,” aniya pa.

Tinanggal na ng online academy ang kursong “Learn the Ancient Art of Tattooing” at hindi na ito makikita sa kanilang website.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng Nas Academy hinggil sa isyu. Ilalathala rin namin ang gagawing official statement ng pamilya ni Whang-od tungkol dito.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Whang-od Oggay ay mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga na sinasabing pinakamatandang mambabatok sa bansa.

Siya ay 104 years old na at nagsimulang mag-tattoo sa edad na 15. Itinuturing din siyang isa sa mga tourist attraction sa bansa dahil talagang dinadayo siya ng mga local at foreign tourists.

Read more...