#BanderaBabae: Top 5 Baes sa Tokyo 2020 Olympics


WHO run the world? Siyempre, girls!

Tulad nga ng lyrics sa kanta ni Beyoncé, tuloy tuloy nga ang pamamayagpag ng kababaihan sa kasalukuyang Tokyo 2020 Olympics.

Muli na namang ngang pinahanga ng isang babae ang buong Pilipinas matapos nitong makamit ang Silver medal sa larangan ng boxing.

Tulad ni Nesthy at Hidilyn, marami pa sa mga manlalarong babae ang hinahangaan hindi lang sa galing nito sa paligsahan kundi pati na rin sa angkin nitong kagandahan at kaseksihan.

Narito ang ilan sa mga atletang nakabihag sa interes ng mga manonood hindi lang sa Pilinas kundi maging sa iba pang sulok ng mundo.

Alica Schmidt

Tinagurian ang 22-year-old German runner bilang “World’s Sexiest Athlete” ng media.

Wala namang duda dahil kitang-kita ang ebidensyang ito sa tuwing sasabak sa laban si Alica.

Pero ayaw i-claim ng dalaga ang titilong ito. Sa katunayan, tinaggihan pa nga nito ang offer sa kanya para mag-pose sa Playboy.

Ngunit kahit ano pa ang tanggi ni Alica, nananatiling siya pa rin ang pinakasexy atleta sa buong mundo.

Leticia Bufoni

Talagang mapapa-wow ka sa 28-year-old Brazilian skater na si Leticia hindi lang dahil sa kagandahan nito bagkus pati na rin sa galing nito sa skateboarding.

Hindi nga lang ito basta superstar sa skateboarding dahil isa rin ito sa pinakamayaman na skateboarder.

Anim na beses pa nga itong nagwagi ng ginto sa X Games. Sa katunayan, isa rin ito sa “Thr Most Powerful Women in International Sports 2018” ayon sa Forbes.

Featured rin ito sa dalawang video games na “Tony Hawk’s Pro Skater 5” at “Tony Hawk’s Pro Skater 1 + 2.”

Abbey Weitzeil

Sigurado namang mapapalingon ka sa 24-year-old American swimmer na si Abbey Weitzeil. Hindi lang maganda kundi magaling pa. Hawak lang naman niya ang US records sa 50m freestyle at 100m freestyle.

At huwag ka, nagwagi ito ng silver medal para sa 400-meter medley relay sa Tokyo 2020 Olympics.

Mapalad ang taong magugustuhan nito dahil makakaasa ito na sasagipin siya nito kung sakaling malunod ito. Hindi naman halata na magaling siya sa apat na medalyang nakamit niya.

Zehra Gunes

Hindi naman pahuhuli ang 22-year-old Turkish volleyball player sa listahan.

Marami ang humanga sa dalaga dahil sa charm nito at galing sa paglalaro ng volleyball. Masiyahin rin ito at kitang-kita ang lakas ng loob sa bawat laban nito.

For sure, wala itong pake kung ano ang sabihin tungkol sa kanya dahil kung magaling itong mang-block sa game, magaling rin siguro itong mang-block ng negativities in real life.

Bianca Pagdanganan

Make way for our very own Filipina representative, Bianca!

Narito ang 23-year-old Filipina golfer para kumpletuhin ang listahan.

Nagwagi na rin sa maraming paligsahan ang dalaga. Sa katunayan, dual medalist ito noong 2018 Asian Games. Nagwagi siya ng bronze medal sa women’s individual event at gold medal naman sa team event kasama si Yuka Saso and Lois Kaye Go.

Read more...