Lea, Regine, Luis saludo kay Nesthy Petecio, wala raw dapat ihingi ng sorry sa mga Pinoy
Nesthy Petecio, Lea Salonga at Regine Velasquez
NAGKAKAISA sina Asia’s Songbird Regine Velasquez, international star Lea Salonga at singer-TV host Karylle sa pagsasabing hindi dapat mag-sorry si Nesthy Petecio sa sambayanang Filipino.
Sobra kasi ang panghihinayang ng Pinoy athlete na hindi niya naiuwi ang gold medal sa bansa para sa women’s fetherweight category sa Tokyo 2020 Olympics.
Silver medal ang nasungkit ni Nesthy matapos ang unanimous decision ng mga hurado na tanghaling winner si Sena Irie ng Japan.
Siya ang unang female boxer na nakasungkit ng Olympic medal para sa Pilipinas kaya naman nakatatak na rin sa kasaysayang ng Philippine sports ang pangalang Nesthy Petecio.
Sa kanyang Twitter account, nagbigay ng message si Nesthy sa madlang pipol matapos ang kanyang laban, “Pasensya na po kayo, silver lang nakayanan ko.
“Ginawa ko po lahat kanina sa taas ng ring. Salamat po ng marami sa dasal at supporta niyo. Higit sa lahat sa diyos! At safe kami pareho ng kalaban ko,” aniya pa.
Nag-promise naman si Nesthy na babawi siya at itutuloy ang laban ng Pilipinas para makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, “Babalik po tayo Mas Malakas.”
Nagkomento naman sina Lea, Regine at Karylle sa mensahe ni Nesthy at sinabing winner na winner pa rin siya sa puso ng mga Filipino at wala siyang dapat ihingi ng sorry.
Comment ng Broadway superstar, “Hindi dapat humingi pa ng paumanhin sa pagkapanalo ng medalyang pilak. Napakataas ng iyong nakamit. Mabuhay ka!”
Sey pa ni Lea, talagang nag-Google siya para sa translation ng pure Filipino ng kanyang message kay Nesthy, “Side note: the Google translation is a little awkward, but accurate enough.”
Sabi naman ng Asia’s Songbird, walang dapat ihingi ng sorry si Nesthy dahil hindi matatawaran ang naibigay niyang karangalan sa Pilipinas.
“Walang dapat ihingi ng paumanhin, binigyan mo ng napakalaking karangalan ang bansa natin. Mabuhay ka Nesthy!” pagbubunyi ng Kapamilya singer-actress at OPM icon.
Nagbigay din ng mensahe ang TV host-singer na si Karylle kay Nesthy, “We are so inspired by you! Salamat Nesthy. Please wag ka humingi ng pasensya Grinning face Salamat salamat Salamat at congratulations!”
Sabi naman ng tinaguriang Pambansang Host na si Luis Manzano, ang astig at ang lupit ng ipinakita ni Nesthy sa kanyang laban pati na ng iba pang Filipino athletes sa 2020 Tokyo Olympics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.