Kathryn tuloy na ang pagpapatayo ng dream house para sa pamilya: I can’t believe it’s finally happening!

HINDI pa rin makapaniwala hanggang ngayon ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na tuloy na tuloy na ang construction ng dream house ng kanyang pamilya.

Nagbigay ng update ang Kapamilya award-winning actress tungkol sa bonggang-bonggang bahay na ipatatayo niya. Ito ang regalo ng dalaga para sa kanyang mga magulang.

Actually, three years ago nang nabili ni Kathryn ang property na pagtatayuan nila ng bahay sa Quezon City ngunit ngayon lang magsisimula ang construction nito.

Last year, ipinakita pa ni Kathryn ang groundbreaking ceremony para sa kanilang dream house with her family kung saan nakasama rin ang boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram update, nag-post uli ang Kapamilya superstar ng litrato with her Mommy Min and niece Lhexine na kuha sa mismong construction site ng kanilang future home.

Ani Kathryn sa caption, “Slowly getting there…I can’t believe it’s finally happening!”

Kung matatandaan, sinimulan ang ang pagpapatayo ng bahay nina Kath isangil linggo bago ipatupad ang lockdown sa bansa last year dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa dalaga, talagang pangarap niya ang mabigyan ng bahay ang kanyang pamilya kaya todo kayod siya. Ito rin ang dahilan kung bakit wala pa sa top priority ng aktres ang mag-asawa.

“Ang dami pa ding dream investments na kailangan ko pang trabahuhin, but my priority now is to be financially ready since hindi lang basta-basta ang magpagawa ng bahay. My number 1 priority is basically to finish our house.

“Gusto ko kasi kapag nagpatayo ng dream house yung gusto na namin, yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family. So hopefully mag-start na yung construction soon. Kayod pa.

“Siyempre, kung may gusto akong ibigay kay Mama na house, dream house na niya. So magtatrabaho pa ako and hopefully maka-start ‘yon soon kasi tatlong taon nang nandoon ang lupa. Sabi na lang namin, someday, uunti-untiin natin ‘yan,” sabi pa niya sa isang interview noon.

Read more...