Heart Evangelista at Richard Yap
NAG-CLICK agad ang bagong Kapuso tandem na sina Richard Yap at Heart Evangelista, na malapit n’yo nang mapanood sa upcoming Kapuso series na “I Left My Heart in Sorsogon.”
In fairness, madaling naging komportable sa isa’t isa ang dalawa kahit pa sa lock-in taping lang ng “I Left My Heart in Sorsogon” sila nag-meet at hindi pa nga nagkikita nang personal.
Ayon kay Richard, mabilis silang nagkapalagayan ng loob ni Heart mula nang magkasama sa taping kanilang serye na kinukunan ngayon sa Sorsogon.
Medyo may konting kaba pa raw noong gawin nila ang una nilang mga eksena sa serye lalo na sa isang intimate scene, pero naging komportable naman sila nu’ng mga sumunod na araw.
Kuwento ng aktor, “I think the spark is there, the chemistry is there. Hindi mo maitatago ‘yun if wala talaga.
“So, I think it came naturally for us kasi parang I felt comfortable with her, and hindi rin siya naiilang. Mas mabilis talaga ‘yung ganu’ng chemistry,” pahayag ng bagong lipat na Kapuso star.
Bukod kay Richard, makakasama rin ni Heart bilang second leading man sa “I Left My Heart in Sorsogon” si Paolo Contis. Grabe rin daw ang energy ng aktor dahil hindi ito nauubusan ng mga paandar kaya super happy lagi sa set.
“Nakakatawa kasi si Paolo, kilala niyo naman siya, so it was very easy to get along with him.
“And, as you all know, medyo fan tayo ng Bubble Gang, so kilalang-kilala ko ‘yung mga hirit ni Paolo. So it’s quite a lot of fun taping with them,” sey pa ni Richard sa panayam ng GMA.
Noong kapipirma pa lang niya ng kontrata sa GMA ay sinabi na ni Richard na looking forward siyang makatrabaho ang misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, “Nakaka-excite talaga sa akin is working with Heart.
“Kasi dati rati pa, I’ve always looked up to her. She’s one of the fashion icons. Saka, talagang one of the leading ladies that I’ve always wanted to work with. I’m really excited na magkatrabaho kami,” aniya pa.
Tungkol naman sa pagte-taping nila sa malayong probinsya ng Bicol, “I’m really excited to go to Sorsogon because hindi pa ako nakapunta doon.
“I’ve been to other parts of Bicol like Legaspi, Albay pero hindi pa ako nakakapunta ng Sorsogon.
“It’s something new for me, and itong lock-in taping din, medyo matagal-tagal doon, so I’m sure we’ll be able to explore Sorsogon,” sabi ng aktor.
Nag-prepare rin daw siya nang bongga para sa unang project niya sa GMA, “Well, ako nagpapapayat ako kasi si Heart is very petite. Baka masyado akong malaki tingnan kapag katabi ko siya. So kailangan magpapayat talaga.”
Ka-join din sa serye sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Rey PJ Abellana at Shamaine Buencamino.