Sharon problema ang sumalubong pag-uwi ng Pinas: Going through so much, so please pray for me…

KC Concepcion at Sharon Cuneta

DUMATING na sa bansa ang Megastar na si Sharon Cuneta nitong Agosto 1 at sumasailalim na siya sa quarantine (sa loob ng 10 araw) base na rin sa post niya sa kanyang social media account.

Bumulaga kay Sharon ang dalawang streamer na may nakalagay na “Welcome home mama, we love you so much” at “We miss you so much” at nakasulat din ang pangalan nina Kakie, Bunny, Baba, Yellie, Ate Tina at Dad.

May dalawang dosenang pink roses mula naman sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan at may kasamang dalawang card na may nakalagay na “Welcome home, we missed you so much!”

Caption ni Sharon sa kanyang Instagram post, “Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. 

“I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon. Excited na po ba kayo sa “Revirginized?!” Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us!”

Kuwento ng aktres nu’ng dumating siya nitong Agosto 1, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. 

“Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me.”

Pero teka, kararating lang ni Sharon ay problema agad ang sumalubong sa kanya na hindi niya binanggit kung ano at bakit.

Aniya, “Going through so much so please pray for me. Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. 

“Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely.”

Anyway, kaya naman pala naghahanap ng apartment si KC Concepcion na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon ay dahil mahigit dalawang linggo pa siyang mananatili roon.

May mga nabasa kami na hindi pa rin daw okay ang mag-inang Sharon at KC dahil bakit kailangang mangupahan ang dalaga gayung puwede naman siyang pumunta sa tirahan ng ina.

Iyon pala, pabalik na ng Pilipinas si Sharon kaya talagang hindi puwedeng makitira ang anak niya sa kanya.

Pero teka, hindi pa uuwi si KC sa bansa, sa madaling salita doon muna siya sa US habang balik-ECQ ulit ang National Capital Region.

Going back to Sharon, palabas na ngayon ang pelikulang “Revirginized” sa Vivamax mula sa direksyon ni Darryl Yap produced ng Viva Films.

* * *

Palagi nang online ang ABS-CBN para sa lahat ng subscribers nito dahil gagawin ng 24/7 at available sa mas maraming bansa ang paboritong shows at movies sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ito ang libreng regalo ng Kapamilya Online Live sa unang anibersaryo nito bilang pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na kumakapit sa mga palabas ng ABS-CBN saan man sila sa mundo.

Kaya naman sa YouTube, buong araw at buong linggong tuloy-tuloy na entertainment ang mapapanood sa buong Pilipinas at sa higit 180 bansa.

Lalo ring aapaw ang aksyon, drama, saya, at kilig dahil bukod sa livestreaming ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag,” at “La Vida Lena,” pwedeng ulit-ulitin ang pinakahuling episodes ng mga ito sa loob ng pitong araw.

Mas masaya at exciting din ang kwentuhan kasama ang ABS-CBN stars at iba pang live viewers sa parehong Facebook at YouTube. Pwedeng makipag-chikahan sa live chat section, makisali sa gap shows na eere tuwing commercial breaks gaya ng “Showtime Online” at “iWant ASAP,” at maging bahagi ng virtual studio audience ng “It’s Showtime.”

Bukod sa kasalukuyang umeereng mga palabas ng ABS-CBN, darating na rin sa Kapamilya Online Live ang “Ningning,” “Bagani,” “Dyosa,” “Palibhasa Lalake,” “Banana Split” at sari-saring blockbuster Filipino movies gaya ng “Volta” at “Crazy Beautiful You.”

Noong Agosto 2020, inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live para maging “online tahanan” ng mga palabas na na-miss ng mga Pilipino. Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanap ng ABS-CBN ng paraan na makasama ang mga Kapamilya at makapaghatid sa kanila ng saya, pag-asa, at inspirasyon.

Para sa mapanood ang kumpletong episodes ng ABS-CBN shows, magrehistro lang sa iWantTFC at mag-download ng app (iOs at Android) o bumisita sa iwanttfc.com.

Read more...