Julie Anne may bonggang musical trilogy para sa fans; food video channel nina Gabbi at Khalil umaariba

Gabbi Garcia at Julie Anne San Jose

THE secret is out! Matapos ang paglabas ng mga teaser sa social media ay pormal na ngang ibinahagi ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang detalye para sa kanyang proyekto na “LIMITLESS, A Musical Trilogy.”

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Kapuso star na one-of-a-kind pasabog na maituturing ang nasabing musical trilogy.

“I’ve never done this before and it’s something intimate and personal. I’m proud to say that this is a one-of-a-kind project. GMA Synergy, my team, and I tried to keep it a secret for quite a while, and now I want to share a piece of my heart in this journey with you,” chika ni Julie Anne.

Matatandaang bumiyahe si Julie pa-Mindanao recently. Ito pala ay para sa “LIMITLESS”. Pero hindi lang daw Mindanao ang ie-explore ni Julie kundi pati ang mga naggagandahang lugar sa Visayas at Luzon.

Last Friday ay inilabas na rin ang video para sa “LIMITLESS” na ibinahagi rin ni Julie sa kanyang Instagram account.

Say pa ng dalaga, “Unti-unti, napapakilala na namin ang proyektong ito. Isang paglalakbay sa pagkakakilanlan. And with every step, I learn more about myself. Walk with me.”

Ang “LIMITLESS, A Trilogy” ay produced ng GMA Synergy. Available na ang tickets para rito sa www.gmanetwork.com/synergy.

* * *

Proud na proud ang fans ng Global Endorser na si Gabbi Garcia nang pumalo na sa higit 12 million ang kanyang Facebook followers.

Isang panibagong milestone ito para sa Kapuso star na isa sa mga artistang pinaka-sinusundan sa social media ng netizens.

Kamakailan din ay ni-launch ni Gabbi kasama ang boyfriend at fellow Kapuso artist na si Khalil Ramos ang sarili nilang food video channel na “Front-Seat Foodies” kung saan mapapanood silang bumibisita sa iba’t ibang restaurants at nagro-roadtrip together.

Samantala, kasalukuyan pa ring napapanood si Gabbi bilang host ng programang “In Real Life” tuwing Huwebes sa GTV at tuwing Linggo sa “All-Out Sundays” sa GMA.

Read more...