SSS death claim

DEAR aksyon
Isa po ako sa masugid na nagbabasa ng inyong column Aksyon line.lagi po akong nababasa ang maraming humihingi ng tulong sa sss.

Ang asawa ko po na si Valentin O.Romeo ay miyembro ng SSS. SSS no 03-3160111-0. nakuha ko na po ang burial claim.naibalik ang aking death claim dahil sa FORM-E1 ng aking asawa. ang nakalagay dun na asawa niya ay di Felisa C. Romeo.

Nagsama kami ng 34 taon at nagkaroon ng dalawang anak. pero ni minsan ay walang nasabi ang aking asawa na mayroon siyang naka relasyon na Felisa Romeo

Ang sabi ng branch head ng Cebu sss na si Mr.Mario V. Corro, patunayan ko daw na ako ang may karapatan sa claim ng aking asawa,magsumite ng mga dokumento at sinunod ko naman po pero hanggang sa ngayon at wala pa ring sagot mula sa kanya.

Tanong ko lang po kung sino ang mas may karapatan sa amin, nagsama kami ng napakaraming taon at hindi kmi nagkahiwalay.

Ako ang nag-alaga sa kanya hanggang sa siya ay namatay.
Sana po ay matulungab po ninyo ako sa problema kung ito na napakatagal na.
Lubos na gumagalang
Flaviana V.Romeo
email ad flavianaromeo@yahoo.com
REPLY:Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Gng Flaviana V Romeo ukol sa death claim na kanyang na-file sa SSS.
Ayon sa aming verification, ang kanyang application ay na-deny dahil mayroong ibang ni-report na asawa ang miyembrong si Valentin Romeo. Ayon sa records ng SSS isang nagngangalang Felisa ang ni-report na asawa ni Valentin. Sa mga ganitong pagkakataon, kakailanganing patunayan ng claimant na siya ang karapatdapat na makatanggap ng benepisyo mula sa SSS.

Ayon sa social security law, ang maaaring makatanggap ng death pension (para sa mga member na may hindi bababa sa 36 monthly contributions) ay ang ligal na asawa ng member at dependent’s pension para sa mga menor de edad na anak hanggang sa sila ay dumating sa edad na 21.

Kung walang ligal na asawa ang member na namatay at wala ding menor de edad na anak, ang babayaran ng lump sum benefit ng SSS ay ang nabubuhay na magulang ng member na namatay.

Kung wala ng mga magulang, ang designated beneficiary ng member ang babayaran ng benefit. Ang designated beneficiary ay ang sinumang itinala ng member sa kanyang SSS Form E1 or E4.

Sa kaso ni Gng Romeo, kailangan munang mapatunayan na hindi ligal ang kasal ng member kay Felisa. At kung hindi nga ligal na asawa ni Valentin si Felisa, kailangan ding mapatunayan ni Gng Flaviana na ligal ang kasal nila ni Valentin para ma-consider siya para sa death benefit.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Gng Flaviana.

Maraming salamat sa inyong pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Read more...