Yassi ipinatatayo na ang dream house; Dimples ibinandera ang kaseksihan


UNTI-UNTING nakakamit ng aktres na si Yassi Presman ang kaniyang mga pangarap. Isa na nga rito ay ang makapagpatayo ng kaniyang dream house.

Sa Instagram post nito, ipinasilip niya ang progress ng pinapatayong bahay.

Marami naman ang natuwa sa bagong accomplishment ng dalaga.

Isa pa nga sa mga nasa bucket list ni Yassi na kanyang natupad ay ang mapanood si Justin Bieber nang live.

At dream come true nga para sa kanya nang ito ay mangyari.

Sa isang video na pinost ng aktres, halos hindi ito makapaniwala nang makita ang international singer na nagpe-perform sa harap nila.

Sinabayan pa nga ng dalaga sa pagkanta ang kanyang fave singer.

***

Napa-wow naman ang madlang pipol sa recent IG post ng Kapamilya actress na si Dimples Romana.

Proud na proud kasing ibinandera ni Dimples ang kanyang kasexyhan sa madla.

Ayon pa sa caption nito, “That womb carried teo of the kindest children you’ll ever meet.

“It also carries plenty other amazing things like cake, chocolates, lots of rice, ham sandwiches and lots of inasal and sisig.

“PROGRESS REPORT, 2nd month of my health and fitness journey. Morning world! Done with my photo na pwede na kumain.”

Mayroon ring post ang aktres na Tiktok video kung saan kitang-kuta ang hotness ng aktres habang sumasayaw.

Maraming mga netizens ang hindi mapigilan amg paghanga sa improvement ng aktres.

May mga ilan pa ngang nagsasabi na sa susunod naman daw ay sana may pa-abs na rin ang aktres.

Read more...