KC, Apl.de.Ap nahuling ‘magka-date’ sa US


SPOTTED umano ang showbiz personalities na si KC Concepcion at Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap na nagde-date sa isang Japanese restaurant sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California.

Nag-post kasi ang Filipina chef sa Instagram na si Vallerie Castillo ng photos kasama ang dalawa.

Umugong pa nga ito nang malamang nasa parehas na lugar rin ang dating nobyo ni KC na si Piolo Pascual.

Nag-post rin kasi si Vallerie ng photo kasama ang Kapamilya actor.

Naging tahimik naman ang Filipina chef nang hingan siya ng detalye ukol sa kanyang post.

Para sa kanya, nirerespeto niya ang pribadong buhay ng mga artista.

Matagal na ring usap-usapan ang tungkol sa rumored romance nina KC at Apl ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon na nanggagaling sa dalawa.

Sa katunayan, ngayong taon lang ay may nakakita sa dalawa na magkasama sa Palawan.

Noon 2020 naman ay nagbigay na ng pahayag ang dalaga sa isang episode ng kanyang YouTube channel na “Kitchen Collabs” kung saan guest nito si Apl.

Ayon sa kanya, magkaibigan lamang sila ng rapper at songwriter.

Read more...