IBA rin naman talaga ang hatid na kilig ngayong tag-ulan ng rumored couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Sa latest Instagram post kasi ni Mavy ay makikita ang dalawa na nasa beach at nakatingin sa isa’t isa. Kahit nga siguro mga langgam ay mahihiya sa ka-sweetan nila.
Ang dalawa ay magkasama sa Gubat, Sorsogon at kasalukuyang nasa lock-in taping para sa pinakabagong teleserye ng GMA na “I Left My Heart In Sorsogon”. Ilan pa sa mga makakasama nila rito ay sina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.
Umani naman ng mga positive comments ang post ni Mavy mula sa kanilang supporters at mga kaibigan mula sa showbiz.
“Oyy ang cute nyooo!”
“Inlove yern sila?”
“Mukhang lalanggamin na naman tayo ahh”
Isa rin sa mga nakakatawang comment ay mula sa kakambal ni Mavy na si Cassy.
Ayon sa dalaga, “Hanggang dito…third wheel ka parin (sad emoji).”
May mga netizens rin ang nag-react sa comment ng dalaga dahil meron rin naman daw siya sabay tag sa singer na si Darren Espanto.
Masayang-masaya naman ang kanilang supporters sa usad ng kanilang pagsasama.
Matatandaan na nagkaroon ng IG live kamakailan si Mavy kung saan direkta niyang ipinakilala sa kanyang inang si Carmina Villaroel-Legaspi si Kyline bilang crush niya.