Dante Basco at Toni Gonzaga
ANG bongga ni Toni Gonzaga-Soriano dahil siya ang napiling maging leading lady sa bagong pelikula ng Fil-Am actor na si Dante Basco.
Nakilala si Dante bilang si Rufio na kontrabida sa pelikula ni Steven Spielberg na “Hook” na ipinalabas noong 1991.
Nakita namin sa Instagram account na @asianpersuasionfilm ang larawan nina Toni at Dante na magkakasama nga sa pelikulang “Asian Persuasion” na sa New York City, USA ang entire shoot.
Ang caption ng mga larawan nina Dante at Toni, “Meet our lead cast!
“Mickey (Dante) is an Asian-American who owns a run-down coffee shop in Queens.
“He was once an aspiring fine-dining chef whose culinary dreams and ambitions were derailed by self-doubt and depression following his parents’ sudden death during his senior year in college.
“He is a great dad to his daughter but is generally a slacker in all other aspects of his life.
“Avery (Toni) is a beautiful and stylish Asian-American who owns a fashion design business in the Lower East Side. She is the opposite of Mickey and is very organized and career-driven. She is responsible and a loving mother,” sabi pa sa description ng photo na may hashtags na #AsianPersuasion, #StopAsianHate, #AAPI at #AsianAmerican.
Sa mga larawan ng dalawa ay nakalagay ang mga pelikulang nagawa na nila tulad ni Dante na lumabas sa “The Fabulous Filipino Brothers” na pelikula nilang magkakapatid with Solenn Heusaff at ang aktor din ang direktor, “Hook,” “Take The Lead” at “But I’m A Cheerleader.”
Nakalagay naman ang mga pelikula ni Toni na “Marry, Marry Me,” “You’re My Boss,” “You Got Me” at “Starting Over Again”.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Toni tungkol dito at sinilip din namin ang kanyang IG account pero wala pa siyang post tungkol sa gagawin niyang pelikula na ipo-produce at ididirek ng Tony award winner na si Jhett Tolentino mula sa script ni Mike Ang.
Baka kaya siguro tahimik pa ang wifey ni Direk Paul Soriano ay dahil sa 2022 pa ang simula ng shooting nito sa NYC na hopefully tapos na ang COVID-19 pandemic.