Sharon ipinakilala ang isa pang ‘anak’ sa US: Napakaguwapo, iyan ang lahi namin!

SUPER proud na ipinakilala ni Megastar Sharon Cuneta sa madlang pipol ang isa pa niyang “anak” na lalaki na nasa Amerika.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, nakasama ng singer-actress at TV host ang tinutukoy niyang “son” na si Curtis, na isang sundalo at miyembro ng US Army.

Nasa Las Vegas pa rin hanggang ngayon si Mega at patuloy na ine-enjoy ang kanyang ilang linggong bakasyon kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan na matagal nang naninirahan sa Amerika.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Sharon na pamangkin talaga niya si Curtis na naka-bonding niya uli nang bonggang-bonga sa The Venetian makalipas ang mahabang panahon. 

Ipinagmalaki pa ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan na itinuturing niyang “pride and joy” ang pamangkin at sana raw ay naging tunay na anak na lang niya ang sundalo.

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad.

“He is my son. Kulang na lang nilabas ko siya. Iyan, napakagwapo. Iyan ang lahi namin!” ang  natatawang chika ni Mega sa kanyang vlog habang katabi ang pamangkin na sundalo.

Si Mega ay anak ng yumaong politiko na si Pablo Cuneta. Hindi naman nabanggit ng aktres kung sino sa mga kapatid niya ang magulang ni Curtis.

Kuwento ni Curtis, miyembro siya ng US Army at isa sa mga sniper section leader. Hirit naman ni Mega, mukhang namana sa kanya ng kanyang pamangkin ang pagiging sharp shooter.

“I don’t just fire and fire and fire like some people. I actually aim!” sey ni Sharon na sinang-ayunan naman ni Curtis.

Sa nasabing YouTube vlog, ipinakita rin ni Sharon ang reunion at pakikipag-bonding niya sa aktres na si Beth Tamayo, na naka-base na rin sa US kasama ang kanyang American husband na si Adam Hutchinson.

Read more...