Maureen Wroblewitz nag-sorry sa ‘pagsisinungaling’ tungkol sa pagsali sa Miss Universe PH 2021

HUMINGI ng sorry ang girlfriend ni JK Labajo na si Maureen Wroblewitz sa publiko matapos magsinungaling tungkol sa pagsali niya sa Miss Universe Philippines 2021.

Sa mga nakaraan kasing interview sa dalaga ay paliguy-ligoy ang naging sagot niya kapag natatanong kung plano rin ba niyang mag-join sa Miss Universe Philippines ngayong taon.

Nagsimulang kumalat ang chika na nag-audition siya para sa nasabing national pageant nang mag-leak ang kanyang litrato na kuha sa screening ng isang pageant camp para makapasok sa 2021 Miss Universe PH.

Sa Star Magic presscon kung saan isa si Maureen sa mga ipinakilalang bagong talent ng ABS-CBN natanong nga ang dalaga kung rarampa na siya bilang kandidata sa nasabing beauty pageant.

Ang kanyang sagot, “Not so sure yet, because this is the year I’ve heard that you have the least preparation time. And I really wanna be ready if I do join.”

Kamakalawa, inilabas ang listahan ng Top 100 MUP 2021 candidates kung saan kasama nga ang pangalan ni Maureen at ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin.

Sa pagkakaalam namin, mula sa Top 100 candidates ay pipiliin ang Top 30. Sila ang rarampa at maglalaban-laban sa coronation night na magaganap sa Sept. 25, 2021.

At ang tatanghaling reyna ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2021.

Kasunod nito, sa pamamagitan ng Instagram nag-sorry si Maureen sa madlang pipol dahil sa ginawa niyang “pagsisinungaling”.

“Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as it was, I had to keep this a secret,” simulang mensahe ng modelo.

Pagpapatuloy niyang pagdepensa sa sarili, “This is the new chapter I’ve talked about in a recent post and I humbly ask for your continued support.

“It’s true what I’ve said in my interviews. I’ve always considered dipping my toes in pageantry and committing to it when I felt ready.

“It was not until I received my sign from the Universe, that I knew I couldn’t wait for that feeling of readiness and that I’d have to take that first step in order to feel ready,” ani Maureen.

Aminado rin siya na may halong takot at pressure ang pagsali niya sa pageant ngunit ayaw naman niyang palampasin ang oportunidad na matupad ang isa sa kanyang mga pangarap – ang maging beauty queen.

“I’ve shared the importance of getting out of your comfort zone as a means to grow as a person and that’s what I’m doing once again.

“This feels new and to be honest, I’m terrified but I’ve come to realize that I just fear the unknown.

“What I fear most though is living a life of regrets. I don’t want to grow old thinking that I should’ve joined, alternatively I would like to say ‘I’m glad I’ve joined,’” paliwanag ni Maureen na unang nakilala bilang grand winner sa Asia’s Next Top Model Cycle 5 noong 2017.

Mensahe pa ng dalaga sa lahat ng tulad niyang nangangarap na magkaroon ng ‘purpose’ sa universe, “You can achieve anything you put your mind to and sometimes if you believe hard enough the Universe will conspire in helping you succeed.”

Kung matatandaan, matapos manalo sa Asia’s Next Top Model Cycle 5, naging co-host siya sa “Eat Bulaga” noong 2018 ngunit bigla ring nawala makalipas lamang ang ilang buwan.

Read more...