Jerald, Kim grabe ang love scenes sa bagong movie: Laplapan kung laplapan talaga!

MAWIWINDANG at masa-shock daw talaga ang mga manonood sa bagong pelikula ng magdyowang sina Jerald Napoles at Kim Molina, ang “Ako at Ikaw at ang Ending”.

In fairness, pagkatapos na pagkatapos ng matagumpay nilang pelikula sa Viva Films na “Babaeng Walang Pakiramdam” ay meron na agad itong kasunod na ibang-iba naman ang tema at kuwento.

Ang “Ako at Ikaw at ang Ending” ay isinulat at idinirek ni Irene Villamor na siya ring nagdirek sa mga pelikulang “Sid & Aya”, “Meet Me in St. Gallen” at “Camp Sawi”.

“This is our third film na magkapareha kami at ibang-iba ang genre nito sa mga nagawa namin before kasi drama ito na may halong action,” ani Jerald sa virtual mediacon ng pelikula kamakailan.

“May chase scenes kami rito, barilan, takbuhan at daring bed scenes na naka-underwear lang kami,” dagdag pa ng aktor.

Sey naman ni Kim, “We got very excited when Viva told us we’d do a film with Direk Irene. I’ve worked with her before in ‘Camp Sawi’, ang first movie ko na kasama ako sa poster at nandu’n ang pangalan ko. 

“Sabi namin, direk, sure ka ba, kami gusto mong makasama? Kasi, ang mga idinirek niya before, mga Dingdong Dantes, Anne Curtis, Bela Padilla, Carlo Aquino. Oo raw, kami raw, so grabe, very thankful kami na nagtiwala siya sa amin at ipinaglaban niya talaga kami,” kuwento ni Kim.

“Kaya nagpapasalamat kami talaga kay Direk Irene for giving us this chance na mapanood kami ng viewers sa ganitong naiibang palabas,” hirit naman ni Jerald.

Dagdag pa niya, “This is a big opportunity to show what we’re capable of doing as actors after being identified as comedians.”

Natanong naman ang dalawa kung paano nila ikukumpara ang style ni Direk Irene kay Darryl Yap na siyang nagdirek ng “Babaeng Walang Pakiramdam.”

“There is no comparison between Direk Darryl and Direk Irene kasi magkaiba sila ng process, style and sistema, pati sa flavor ng acting namin. 

“Pareho silang masaya sa set, napakagaan katrabaho at walang pressure. Kay Direk Irene lang, mas sexy kami at grabe talaga ang love scenes namin. Laplapan kung laplapan,” ani Jerald.

Samantala, tinanong si Direk Irene kung paano niya ilalarawan ang magdyowang nakilala sa comedy na gumaganap na ngayon sa serious roles? 

“It’s fun kasi sa kanila nga ako humihingi ng tulong on how to interpret their characters as Mylene and Martin.

“Kasi mahuhusay silang aktor, so malaki ang tulong nila in giving inputs about their roles na parehong fierce and astig. The story starts nung nagsisimula pa lang ang pandemic at anxiety pa lang ang nararamdaman dahil hindi pa naglo-lockdown,” aniya pa.

Ang bagong action-drama movie ng tambalang KimJe ay mapapanood sa VivaMax simula sa Aug. 13.

Read more...