Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

PINATULAN ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang isang basher na nang-okray sa kanila ng kaibigang si Vhong Navarro.

Hindi pinalampas ng TV host-comedian ang naging komento ng netizen laban sa kanya at kay Vhong at talagang ipinost pa niya ito sa Twitter para mabasa ng kanyang mga followers.

Sinabihan kasi ng nasabing basher ang dalawang host ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” na hindi raw sila magandang halimbawa sa isang Kristiyanong bansa.

Walang binanggit ang hater kung bakit niya sinabihan ng ganu’n sina Vice at Vhong pero ang feeling ng ilang netizens baka raw may napanood itong biruan at palitan ng jokes sa “Showtime” na hindi niya nagustuhan.

Tweet ng nasabing netizen, “Vice ganda and Bhong Navarro were not careful and were bad examples to this Christian nation. This is my censure for them.”

Binuweltahan naman siya ni Vice at sinabihang hindi rin siya good example sa isang Kristiyanong bansa dahil sa mali-maling post niya sa Twitter.

Binira ng komedyante ang spelling ng basher sa pangalan ni Vhong, “And you were not careful with your spelling! It’s Vhong not Bhong! And people’s names are proper nouns therefore should be capitalized.

“It should be Vice Ganda not Vice ganda. You’re a bad example to the Christian nation!” hirit pa ng Kapamilya TV host-comedian.

Mukha namang natakot at nahiya na ang netizen sa resbak ni Vice dahil hindi na ito sumagot pa. Nakatikim din siya ng sandamakmak na panglalait at matitinding salita mula sa mga fans at followers ni Vice.

Minsan nang nagsalita ang komedyante laban sa kanyang mga bashers na walang ginawa kundi ang laitin at punahin siya sa social media.

“Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdadaanan nyo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko pls continue following me. Salamat po.

“Pero kung ayaw nyo sakin at sa mga tweets ko pls do urselves a little favor. Please unfollow me. Dont allow me to annoy you. And dnt be a toxic follower,” pahayag ni Vice.

Read more...