GMA gumawa ng ‘special ending’ para sa ‘Legal Wives’ dahil kay Alice Dixson

GUMAWA pala ng alternate ending ang production ng bagong Kapuso series na “Legal Wives” nang dahil sa isa sa mga lead stars nitong si Alice Dixson.

Inakala kasi ng aktres na hindi na siya makakabalik sa huling cycle ng lock-in taping para sa nasabing serye dahil nga kinailangan niyang magtungo sa Amerika nitong unang quarter ng 2021.

Matatandaang nagpunta sa Canada at Amerika si Alice noong February para sunduin ang anak niyang si Baby Aura na nabuo sa pamamagitan ng isang surrogate.

Kaya naman nagpapasalamat ang Kapuso actress sa GMA at sa buong produksyon ng “Legal Wives” dahil hinintay talaga siya at isinama pa rin ang karakter niya hanggang sa ending.

“I’m so proud of what we have accomplished this year despite what has been going on in the world. I guess it was two years ago when I first learned about this project. 

“Who knew what was going to happen six months later. Who knew how this COVID-19 would affect our lives in so many ways and for so long, hanggang ngayon,” ang pahayag ni Alice sa ginanap na virtual mediacon para sa kanilang family drama.

“Looking back, I think we did a lot. We did so much. We did the best that we could given the circumstances. We should have finished this in two lock-ins but we wound up doing it in five because ang daming nangyari,” aniya pa.

At dahil nga sa mga naging problema dulot ng pabagu-bagong community quarantine status sa bansa at sa pag-alis ni Alice ng bansa, naghanda ang programa ng alternate ending para sa karakter ng aktres na si Amirah.

“I was even in the States when they were doing lock-in number three. I thought na hindi na ko makakahabol sa ending. They had even created a special ending had I not been able to return,” sabi ni Alice.

“I’m very grateful na despite all of the things that were happening around us, all the obstacles, na nakapagtapos din kami ng isang magandang proyekto na maipagmamalaki talaga namin,” aniya pa.

Patuloy pang chika ng aktres na gaganap bilang isa sa tatlong asawa ng karakter ni Dennis Trillo sa serye, “I really believe this is one of my favorite telseryes now because hindi lang about the story ang talagang paguusapan eh. Everybody is asking me, ‘Who is the legal wife?’ Hindi n’yo ba alam? It’s three legal wives.”

Makakasama rin sa serye sina Andrea Torres, Bianca Umali, Cherie Gil at marami pang iba. Magsisimula na ito sa July 26, pagkatapos ng “The World Between Us” sa GMA Telebabad.

Read more...