MAS lalong lumakas ang negosyong imported beef ng lolo ni Mariel Rodriguez-Padilla na si Rafael Sazon simula nu’ng siya na ang namahala nito.
Kasama na rin ito sa mga ibinebenta niyang produkto para sa pag-aaring Cooking Ina Food Market.
Ang mismong lolo ng wifey ni Robin Padilla ang nagtitimpla ng steak na ipinasa na kay Mariel ang sikreto ng masarap na timpla nito kaya pala sa ilang taon ay nanatiling loyal ang mamimili mula pa noong dalaga ang huli.
At dahil may edad na rin sina Lolo Rafael at Lola May ay ipinagkatiwala na sa kanilang apo ang pamamahala nito na labis naman nilang ikinatuwa dahil nag-boom kaagad ang negosyo ilang buwan pa lang ang nakalilipas.
Sobrang sipag naman kasi ni Mariel at hands on talaga sa kanyang business. Binidyuhan pa nga niya ang sarili na hanggang madaling araw ay inililista ang lahat ng orders para paggising niya kinabukasan ay inihanda na lahat ng mga kasama nila sa bahay ang lahat ng kakailanganin.
Kumbaga, double check na lang ang gagawin niya kung tama lahat ang order at for delivery na agad ilang oras bago ang pananghalian.
At para hindi rin maantala ang mga delivery na umaabot ng less than a hundred sa isang araw kaya tumulong na rin si Robin sa pagde-deliver ng mga ito gamit ang Moto Express Halal Moto na pag-aari niya at ang pinakamababang bayad ay P37 sa first two kilometers.
Nitong isang araw ay nag-deliver si Robin ng 30 bags at ipinakita pa niya ang mga ito sa kanyang Instagram account.
Ang caption ng aktor, “Today aside from our regular orders we are delivering 30 bags for our VVIP client who ordered steak, tapa ni lolo and paborito ni Robin salpicao, all halal, to celebrate Eid al-Adha thank you sooo much (praying emojis) @cookinginafoodmarket @motoexpressph #SteakLikeNoOther.”
Dagdag pa ni Binoe, “Sa paghahanapbuhay hindi basehan ang taas ng pinag aralan ang mahalaga ay marangal ka at parehas ka sa kapwa mo. May Doctorate d’yan pero panggugulang naman sa kapwa ang ginagawa at pagpapayaman gamit ang katalinuhan sa panloloko.
“Itaas mo ang noo mo at isa kang delivery service man o woman, dahil sa bawat paghatid mo ay kaligayahan ng nakatatanggap. @motoexpressph @cookinginafoodmarket.”
At dito na nalaman ni Robin na napakahirap palang trabaho ang maging rider dahil babad sila sa initan at nakaramdam siya ng hilo kaya dumiretso siya kaagad ng hospital para magpa-check up.
“Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders. Sa sobrang babad sa init kanina nahilo ako kaya kagyat ako nagpunta sa New Era General hospital at nagpa check up. Normal naman ang lahat ng vital signs ko hindi lang ang BP ng 140/100 ako.
“Napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders. Babad sa init at usok tapos biglang uulan. Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room ok na ako uli. Resume ng agad ng delivery.”
Nagpasalamat naman si Mariel at walang masamang nangyari sa asawa. Aniya, “Wow thank you so much babe.”
Gayun din ang kuya Rommel Padilla ni Binoe, “AsaLaMu ALaikuM! Ride safe & regards sa Lahat ng DeLivery Riders!HaymabU!”
At bilang pagtatapos ng Ramadan ngayong araw ay ipinost ni Robin ang pagbati sa lahat ng mga kapatid niyang Muslim.
“Bismillahi arahman ni araheem Alhamdulillahi rabil aalameen. Bismillahi was salatu was salamu rasoolillahi. Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuhu…Eid Mubarak sa inyong lahat mga Kapatid.
“Maging Muslim man, Kristiano man o Judio man. Tayong lahat na galing kay Propeta Ibrahim/ Abraham (peace be upon him) ay naniniwala sa kanyang sakripisyo at katapatan sa nag iisang Dios na si Allah/Eloh/Jehovah/Yahweh. Maraming salamat Sister jo, sister tonette at sister jam.”