TUWANG-TUWA ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda dahil may napasaya siyang isang senior citizen na nanood ng kanyang first digital concert.
Ipinarating ng kanyang fan na si @isnaberong_beki ang dalawang photos kay Vice Ganda with this caption, “Meme, my mudra is so happy! She stayed late just to watch your concert. She’s bedridden and in pain but you made her forget it at least for 3 hours! Salamat sa pagpapasaya! #ViceGanda.”
“Sending my love to you and your Reynanay!!!” sagot ni Vice Ganda sa nagpadala ng photos.
Samantala, may repeat pala ang Vice Ganda’s “Gandemic: The VG-tal Concert” dahil super successful ito.
“DUE TO UNKABOGABLE DEMAND!!!
“I-two na ang chance mo 2 join the digital community party! ‘Wag magpahuli sa dalang GV ng nag-iisang VG! The first digital comedy concert ng Unkabogable Vice Ganda!”
“Gandemic: The VG-TAL Concert REPEAT on August 14, 2021!”
That was the announcement of Viva sa Twitter.
In fairness, magaganda ang reviews ng netizens sa concert ni Vice Ganda.
“Nakakawala ng pagod at stress tong #GANDEMIC. Deserved nating maging masaya ngayon, tumawa at mag relax lang.”
“I hope by next year balik Araneta na ulit @vicegandako but still, thank you for this virtual concert. A BREAK WE NEEDED FROM STRESSFUL LIFE.”
“Yung sobrang tatawa ka tas iiyak after tas tatawa ulit huhuhu yes ma ganon nangyayari sa akin ngayon. @vicegandakoGANDEMIC VGTAL CONCERT. #Gandemic.”
* * *
Siguradong inaabangan na ng milyong fans ni Francine Diaz ang kanyang unang vlog sa YouTube.
In-announce ng bida sa “Huwag Kang Mangamba” na mapapanood na sa July 24 ang kanyang kauna-unahang vlog sa YouTube.
Sa kanyang Instagram account in-announce ni Francine ang kanyang bagong YouTube channel na “Simply Francine.”
“I’m really excited that finally, I can share a part of myself na hindi nakikita ng mga tao sa mga shows ko or even dito sa Instagram.
“I’m looking forward to make lots of kikay vlogs, shoot moments with my family & loved ones at mag-vlog ng kung anu-ano pang challenges na pwede ko i-try para sa inyo.
“Sama sama po tayo sa panibago kong journey na ito. On my YouTube channel, it’s going to be simply me, simply Francine. Save the date. July 24, 2021. #SimplyFrancine.”
That was Francie’s post on her Instagram account.
Naku, tiyak na hindi papayag ang fans ni Francine na hindi maging hit ang first YT vlog ng kanilang idolo. Tiyak na milyones kaagad ang manonood dito at libu-libo kaagad ang magsu-subscribe. Wanna bet?