KAHIT paano’y napasaya ng Kapamilya actor-entrepreneur na si Enchong Dee ang halos 600 pamilya na naninirahan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Namigay ng food packs at grocery items ang binata sa mga kababayan nating nangangailangan na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin dulot ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ang pagbabahagi ng tulong ni Enchong ay kasabay ng anniversary celebration ng kanyang resto business na matatagpuan sa Market Market sa Taguig City.
Katuwang din niya sa nasabing charity project ang Mundo Design + Build na siyang magre-renovate sa isa niyang property para mas mapakinabangan at mas maraming matulungan. Ang staff at empleyado ng Mundo Design ang personal na namahagi ng mga grocery at food packs sa mga kababayan natin.
Kabilang sa mga food items na ipinamahagi ng grupo nina Enchong sa mga kababayan nating kapos sa buhay ay ang kape, canned goods, noodles at iba pa.
Kuwento ng aktor sa kanilang project, “We have plans na gawin for other people and something for my own place which I’m very, very excited because I’m actually looking for someone who can renovate, make it better with the new place that I’m getting.”
Sabi ni Enchong, ang unang plano nila ay mamahagi lamang ng ayuda sa maliit na komunidad ngunit naisip niya na lawakan pa ito hanggang sa umabot na nga ito sa 600 pamilya.
“At first, it was really more of just giving something to the community — which is 100 percent I’m fine with that. Pero sabi ko I have this idea wherein what if we can extend it to people that I support personally.
“And I’m so excited because I know that we will have a different content for that. And giving back is something really close to my heart. I think we have a responsibility and we’re put in this position for a reason. So, let’s pay it forward,” pahayag pa ni Enchong.
“The business is good and so it’s only right to give back,” diin pa niya.
Nanghihinayang lamang ang binata dahil hindi siya nakasama sa pamimigay ng tulong, “How I wish I could be there. Pero katulad nung sinabi ko sa inyo, I’m still waiting for my vaccination. But guys, whatever you are doing now right there, naiinggit ako kasi part din ako niyan.
“Pero thank you very much for doing this. Sabi ko nga, I’m really excited with the partnership, with the collaboration that Enchong and Mundo Builders are going to do.
“But more excited with what you’re doing now for the community, for our country. I’m so excited to be partnering with you,” sabi pa ng aktor na napapanood sa Kapamilya series na “Huwag Kang Mangamba”.