Ex-matinee idol na si Red Sternberg, may pagsisisi ba nang iwan ang showbiz?

KABILANG si Red Sternberg sa kinagiliwang youth-oriented show na “TGIS” o “Thank God It’s Sabado” noong ’90s.

Sa kasagsagan ng kanyang umuusbong na career, bakit nga ba pinili nitong talikuran ang showbiz?

Sa isang panayam kasama si Pia Arcangel, siniwalat ng dating matinee idol ang tunay na rason sa kanyang paglisan sa showbiz.

“It was a combination ng burnout. Tatlong TV shows, gumagawa ka ng dalawang pelikula. Everyday, trabaho. Ako ‘yung tipo ng tao na I never had a driver, wala akong P.A., lahat ako. I just felt na it was time to move on.” pag-amin niya.

Ngunit hindi pa rin naging madali para sa dating aktor ang buhay sa Amerika. Kwento pa nito, kinailangan nilang magpalipat-lipat ng tirahan dahil sa trabaho.

“We have been city and state hopping for the past 14 years—Texas, Louisiana, Illinois, North Carolina, five states in 14 years. Actually my 3 kids are born in different states.

“Nag-start ako as a frontdesk agent and worked my way up to a general manager,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa niya, hindi raw alam ng mga kasama niya sa trabaho na naging artista siya.

Binalikan rin niya ang ilan sa kanyang memories noon bilang ‘Kiko’ sa “T.G.I.S”.

Kuwento pa niya, hindi naman daw talaga as ‘Kiko’ ang initial role niya kundi bilang ‘Wacks’ na ginampanan naman ni Bobby Andrews.

“After the reading and everything, the roles changed. Just because of the comic timing. I could relate more to Kiko and Bobby could relate more to Wacks.”

Tila naman hindi naging hadlang sa kanilang nabuong pagkakaibigan ang kanyang pag-alis. Sa katunayan, kahit nakalipas na ang maraming taon, nanatili pa rin ang kanyang closeness sa co-stars nitong sila Bobby Andrews at Michael Flores. Alam na alam na nga nila ang sikreto ng bawat isa at wala na silang tinatago.

Diretsahan namang sinagot ni Red ang tanong kung may pagsisisi ba ito sa kanyang desisyon.

“No. Do I miss it? Yeah. Do I still want to do it in the future? Maybe, and the acting itself.”

Read more...