Patrick at Nikka Garcia, may baby boy na!

MASAYANG ibinahagi ni Nikka sa kanyang imstagram account ang litrato nila ng asawang si Patrick Garcia kasama ang kanilang baby boy.

“Truly beyond grateful. I couldn’t contain my tears the minute I heard you cry. I am overwhelmed with so much joy! I have never felt this much in love and I couldn’t ask for anything more. You and your ates are our answered prayer! We love you more than you will ever know. World, meet our son, Enrique Pablo,” pagbabahagi niya.

Matatandaang naunang inanunsyo ng mag-asawa ang pagdadalang-tao nito sa kanilang vlog.

Noon pa lamang, hiling na raw nila na sana ay lalaki naman ngunit masaya sila kung ano man ang ipagkaloob ng Diyos sa kanila.

“This is so personal to me kasi parang grinant niya talaga ‘yung desire ng heart ko. I just continue to pray that we continue to be good stewards, good parents, who will raise these children up to learn to love God with all of their hearts.” pagbabahagi ni Nikka sa kanilang vlog noong malaman na lalaki ang ineexpect nilang baby.

Read more...