Nagsimula ito noong nagbigay pahayag ang Kapamilya director nang alalahanin ang unang anibersaryo ng pagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.
“Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?
“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.
“Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo,” sey ng direktor sa kapwa Kapamilya reporter na si MJ Felipe.
Ngunit maraming natamaan sa remark na ito ng direktor gaya na lang ni Suzette Doctolero, head writer mula sa Kapuso network.
Pumalag rin ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose sa usaping ito na sinang-ayunan naman ng isa pang Kapuso award-winning actress and comedienne na si Ai-ai delas Alas.
Sa kanyang latest IG post, makikita ang isang artcard na may statement ni Jaclyn na “Lahat ng nasa production from EP to AP to PA to all the members of the production hanggang sa utility, wardrobe on point! Hanggang sa kwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa ng isang napakagandamg panoorin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas.. hindi po kami (basura).”
Sey ng actress-comedienne, “tama ms best actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera.. ang pinaghirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahalintulad sa basura.”
Marami namang mga netizens ang sumang-ayon at tila pinagpapaliwanag ang Kapamilya director.
“This director should be ashamed of himself. More blessing pa sa gma!”
“Andoy Ranay, magpaliwanang ka. Wag kang magtago sa saya ng istasyon mong madaya at kurakot.”
Ngunit may isang netizen rin ang dumipensa tungkol sa sinabi ng Kapamilya director.
“Malinaw sa statement ni direk na ‘yung quality ng pagtatrabaho ang tinutukoy niya– na pwedeng mangyari sa kahit saang network kahit sa ABSCBN.” komento nito.