Kyla, muling nakunan: My heart is broken

ISANG malungkot na balita ang ibinahagi ni Kyla sa kanyang instagram account nitong Biyernes ng umaga.

Sa ikatlong pagkakataon kasi, muling nakunan ang ipinagbubuntis ng singer sa kanyang asawa na si Rich Alvarez.

Ayon sa post ni Kyla, “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie. (broken heart emoji)”


Dumagsa naman ang pakikiramay at pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga taga-suporta.

Read more...