DUROG na durog si Suzette Doctolero, headwriter ng ilang palabas sa GMA 7, sa comments ng netizens matapos itong tumalak against director Andoy Ranay.
Doctolero was obviously miffed by Ranay’s “Aanhin mo ang franchise kung basura naman yung trabaho” statement.
Seething with anger, hindi ito pinalagpas ni Doctolero kahit sabihin pang wala namang pinangalanan si Ranay.
“Klaro ito. GMA-7 lang po ang gumagawa ng matatapang na kwento at ito ay aming pinaninindigan hanggang sa dulo, mag rate man o hindi.
“Why? Kasi may respeto kami sa audience at sa LGBT community (pati sa mga indigenous community, sa mga pwd, sa lahat na, na ginagawan namin sa GMA ng kwento),” say ni Doctolero.
“Ang world class, kapag itinampok mo ang kwento, kultura at karanasang Pinoy, pero universal pa rin ang tema, kaya makakarelate ang mga banyaga,” dagdag pa niya.
Sadly, nabanas sa kanya ang netizens. Sa isang Facebook entertainment page ay nilait-lait siya.
“Wala namang sinabi na GMA pumutak agad bakit sya nasaktan? Hahaha! Kung d ka namention wag ka magcomment.”
“Galit lang si pusit kasi nga kahit walang franchise ang Dos, pinipili pa rin ng tao mga show ng Kapamilya, dahil nagkanda kubakuba na sila kakaisip ng concept, sila lng nagsasabing number 1 sila. Papansin din para may ambag sa publicity at baka need ng increase sa TF.”
“Truth hurts! Pirate pa more ng mga sikat ng dos! Palibhasa bilang lang sa daliri mga napasikat ng 7! Kaya samantalahin hanggat wla pa ang 2! Try nyo magpasikat at claim na #1 kayo.”
“Eh bakit pumutak ka kaagad, Suzette? Very Wrong. Kung alam mong ‘world-class’ yang mga teleserye mo, sa-shut-up ka lang. Eh kaso bumira ka ng talak, so aminado kang basura mga trabaho mo? Tsk! Tsk! Tsk! Adobong pusit nga please.”
“Ahaha! iba talaga si pusit, walang naman sinabing gma or tv5 eh. bakit natamaan si pusit.. dahil totoo ang sinasabi ni andoy.. ahahah napaghahalata tuloy si pusit.”
“Anu ba konteksto bakit sinabi ni Ranay yun? Tinanung ba sya about GMA produced programs? Napanuod ba yung buong interview? Pedeng sinabi ni Ranay yun just to make a point na kahit hindi binigyan ng prangkisa ang ABS ay di sila papatinag na gumawa ng mga kalidad na programs without even mentioning the other networks.
“And if naniniwala ka bilib at kalidad ng produkto mo, confident ka dapat kahit anu pang hanash ng iba kasi the fact na nagpaapekto ka baka naman totoo. and in the first place walang binanggit na network.”
* * *
Lalong tumitibay ang samahan ng magkapatid na sina Joy (Francine Diaz) at Mira (Andrea Brillantes) sa kabila ng mga paninira ni Deborah (Eula Valdes) para mapaghiwalay sila sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”
Magmula kasi nang malaman nilang magkadugo sila, hindi na mapaghiwalay ang dalawa at labis din ang pag-aalaga ni Joy kay Mira nang magkasakit ito.
Sa pagkalat naman ng magandang balitang tungkol kina Mira at Joy, tuloy-tuloy rin ang pagdami ng mga nabibigyan nila ng pag-asa at inspirasyon at ng mga tumutulong sa proyekto nila ng pagtatayo ng simbahan sa bayan ng Hermoso.
Nanggagalaiti naman si Deborah lalo na’t tinitingnan niyang kakumpitensya ang magkapatid sa mga donasyon. Kaya naman ang plano ni Deborah at ng kapatid niyang si Agatha ay ang paghiwalayin ang dalawa.
Ngayon pa lang, panay paninira ang inaatupag ni Agatha na sinasabing magkaiba ang tatay nina Mira at Joy, at na si Mira ay bunga lamang ng kataksilan ng kanilang ina.
Sino nga ba ang tatay ni Joy? Mapaghiwalay kaya ni Deborah ang magkapatid?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.