Claudine aprub sa boyfriend ng anak na si Sabina

 

MARAMI ang na-shook sa sagot ng aktres na si Claudine Barretto tungkol sa isang photo na ipinost nito sa kanyang Instagram account.

Kuha ito noong 17th birthday ni Sabina kung saan makikita rin sa mga litrato ang ilang ganap sa nasabing selebrasyon kabilang na ang pagbo-blow ng dalagita sa kandila ng kanyang cake.

Marami kasi ang nag-akala na si Santino, ang isa pa niyang anak, ang kasama ni Sabina sa picture. Comment pa ng iba, ang bilis daw lumaki ng anak niyang lalaki.

Agad namang nilinaw ng aktres na hindi si Santino ang kasama ni Sab kundi ang kanyang boyfriend na si Raffy.

“That’s not Santino. That’s Raffy, Sabs’ boyfriend. Saint doesn’t want his pictures taken,” paglilinaw ng aktres.
Naging tila protective naman ang ilang netizens at nagpaalala na masyado pang bata si Sab para mag-boyfriend.

Reply naman ni Claudine sa kanila no Claudine, “Good girl naman si Ate Sab.”

Sina Sabina at Santino ay anak ni Claudine sa dati nitong asawa na si Raymart Santiago.

Read more...