JM halos isumpa ng madlang pipol dahil sa pambubugbog kay Yam sa 'Init Sa Magdamag' | Bandera

JM halos isumpa ng madlang pipol dahil sa pambubugbog kay Yam sa ‘Init Sa Magdamag’

Reggee Bonoan |July 14,2021
facebook
share this

JM halos isumpa ng madlang pipol dahil sa pambubugbog kay Yam sa ‘Init Sa Magdamag’

Reggee Bonoan - July 14, 2021 - 04:49 PM

ANG ganda ng episode ng “Init sa Magdamag” nitong Martes ng gabi kung saan naging bayolente at madugo ang ilang mga eksena.

Sinaktan to the max ni Papa P (tawag ni Albie Casino kay JM de Guzman bilang si Peterson) ang asawang si Cong. Rita Alvarez (Yam Concepcion) kahit buntis dahil sa matindi nitong selos kay Doc Tupe (Gerald Anderson) na inakalang magkasama sila.

May latay ang buong katawan ni Rita at nakatakas lang siya kay Peterson dahil tinadyakan niya ito sa pribadong parte ng katawan at saka nagtatakbo na hirap na hirap dahil dinudugo na siya.

Naka-chat namin ang Mommy Bebs Concepcion ng aktres at kinumusta namin lalo’t hindi niya kapiling ang anak dahil kasalukuyan itong nasa New York City, USA kasama ang kanyang fiancé na si Miguel CuUnjieng at matatagalan pa bago bumalik ng Pilipinas ang aktres.

Naaliw kami sa sagot ng mommy ni Yam dahil naapektuhan daw siya sa pambubugbog ni JM sa karakter ng anak.

“Okay naman ako lalo na last night. Grabe ang intense. Takot nga ako baka tamaan (si Yam) nadala ako, but then sabi ko tapos na nga pala ang taping. Ha-hahaha!” sagot sa amin ni Mommy Bebs.

Ang husay talaga ni JM, wala naman talagang kumukuwestiyon pagdating sa pag-arte niya dahil ibinibigay nito ang talagang best niya.

Maging si Yam ay humuhusay sa bawat seryeng nagawa niya kaya nakakahinayang kung magla-lie low siya sa kanyang showbiz career dahil nga nag-propose na sa kanya ang fiance at ibang level na ang gusto nilang mangyari sa relasyon nila.

Anyway, hindi lang si Mommy Bebs ang apektado sa episode ng “Init sa Mandamag” pati mga netizen kaya nag-trending ito nitong Martes ng gabi.

Sabi ni @AizySky, “Creativity, cinematography, story, production, acting, actors ang layu niyo po sa ABSCBN! No offense but let’s admit it only ABSCBN can give us dekalidad na teleserye!! Iba basta tatak Kapamilya! Ang husay!!! #ISMBatteredWife.”

Sabi ni @KL32702725, “Hindi ko makayanan yung mga pasabog ngayong gabi, hindi ako makagalaw at makakurap sa sobrang tutok eh Grabe Kudos to the Staff, Cast, To @StarCreativesTV and @ABSCBN #ISMBatteredWife.”

Galit din si @pripri_gosakto, “GRABE!!! Sobrang affected ako. Buntis ang asawa mo. #ISMBatteredWife.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pa kaming ibang nabasang comments at talagang gigil sila kay Papa P.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending