AGAW-EKSENA sa social media ang paandar na swimsuit photo ng Kapamilya actress at first time mommy na si Janella Salvador.
Proud na proud na ibinandera ng young celebrity nanay ang resulta ng kanyang balik-alindog journey at unti-unti na raw niyang naibabalik ang kanyang ideal weight (postpartum).
Nag-post si Janella ng kanyang litrato sa Instagram kung saan makikita nga ang pinaghirapan niyang postpartum body suot ang kanyang one-piece swimsuit.
Aniya sa caption, “I was thinking if I should post this or not because I’m not yet where I want to be in terms of my postpartum weight-loss goals and I still have 13 pounds to go.”
“But why not? I’m proud of my progress. Let’s go, momma,” dagdag ng aktres.
Napa-wow naman ang mga netizens sa katawan ni Janella pati na ang ilang kaibigan niyang celebrities. Sabi ni Anne Curtis, “You look amazing!”
“Hot mama!” naman ang reaksyon ng kaibigan niyang si Liza Soberano.
Siyempre, proud partner din si Markus Paterson sa kaseksihan ng mommy ng kanyang anak na si Baby Jude Trevor, “That’s my GIRL. Proud of you forever.”
Nitong mga nakaraang buwan ay ibinabahagi talaga ni Janella ang ginagawa niyang pagwo-workout at ang iba’t ibang fitness regimen na sinimulan niya ilang buwan matapos manganak.
Kung matatandaan, isinilang ni Janella ang panganay na anak nila ni Markus noong October, 2020.
Sa isang panayam kay Janella, inamin niyang nawala ang kanyang self-confidence nang ipanganak si Baby Jude last year.
“I wouldn’t say I got fully depressed, but there are many times until now that I have to remind myself that, ‘Hey, you gave birth to a human, that’s pretty amazing, that’s pretty hard.’ Because, after giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence.
“Nawala lahat ng vanities sa katawan ko. Like when I look in the mirror, I don’t really see myself anymore.
“It did take a toll on my confidence, but now I’m slowly trying to take care of myself more, get some self-care in, and try to get my old self back,” pahayag ng aktres.
Kamakailan lang ay ibinalita rin niya na balik-trabaho na uli siya makalipas ang mahigit isang taon. Ang unang acting project niya since becoming a mother ay ang digital anthology series na “Click, Like, Share,” kung saan bibida siya sa isang episode na tatalakay sa mga napapanahong issue tulad ng bashing, cyberbullying, online harassment at depression.