Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

NAG-CELEBRATE si Xian Lim ng kanyang kaarawan nitong nagdaang July 12, at isa sa mga early birthday gift sa kanya ay ang pagiging Kapuso na niya.

Yes, true ang chismis na magiging Kapuso na si Xian very soon at ang kanyang first project ay isang teleserye ka-partner si Jennylyn Mercado.

A little birdie told us that the lock-in taping will start after Xian’s birthday.

Mukhang happy naman si Xian sa  kanyang decision o sa decision ng management niya which is Viva Artists Agency na gumawa ng bold move at lumipat na sa GMA 7.

Siguradong very supportive naman ang dyowa ni Xian na si Kim Chiu na super loyal sa ABS-CBN at walang kabalak-balak na mag-ober-da-bakod.

Ang last na teleserye ni Xian sa Dos ay ang “Love Thy Woman” bilang si David Chao. Nauna siyang na-in love sa Dana Wong character ni Yam Concepcion hanggang sa ma-fall in love siya sa Jia Wong character ni Kim Chiu.  

Ano kaya ang magiging reaction ng fans ni Xian sa kanyang pag-o-ober-da-bakod?  

Tanggapin pa kaya nila ang binata at ang bagong kapartner nito. Mag-react kaya violently ang KimXi fans?

* * *

In full force ang cast ng ASAP Natin ‘To last Sunday para patunayang solid sila bilang isang Kapamilya.

Sa opening number pa lang, nagbigay na ng mensahe ang ilang Kapamilya stars tulad ni Martin Nievera at ilang hosts ng “It’s Showtime”.

“Kapamilya, we will always be by your side. We will never leave you. Mahal naming kayo,” say ni Martin Nievera. 

“Kapamilya ako dahil ito ang aking tahanan at naniniwala ako sa aming adhikain at ito ay magbigay ng serbisyo sa bawat Pilipino,” say ni Toni Gonzaga.

“Isa akong Kapamilya dahil dito ako nagmula, dito ako nahubog at ang imortante dito ako masaya. Kayo ang nagsisilbi naming lakas kaya naman gagawin namin ang lahat pata patuloy kayong pagsilbihan,” sabi naman ni Zanjoe Marudo.

“Kapamilya forever ako dahil ito ang nagbigay ng pag-asa para sa  mga nangangarap a tmananayaw na katulad ko.  Kaya hanggang dulo, patuloy akong hahataw sa sayaw ng buhay,” pangako ni Vhong Navarro.

“Kapamilya forever ako dahil gusto kong maging boses at mag-inspire pa ng maraming Reinanay,” say ni Amy Perez. 
  
“Even as we faced a lot of hardships and difficulties last year, your support and trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino,” say naman ni Piolo Pascual.

“Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinapatunayan na ang mag-Kapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo,” say ni Sarah Geronimo.

Bago umawit, nagbigay ng heartfelt message si Vice Ganda bilang “It’s Showtime” major host at Kapamilya forever celebrity.

“Isang taon na ang nakalipas.  Matapos ka nilang lapastanganin, kumusta ka na ba, mahal kong ABS-CBN. Nakita ko kung paano ka nila sinaktan, kung paano ka nila isinubsob at patuloy na sinisipa habang nakayuko at nakadapa. 

“Sa araw na ito hayaan mong alayan kit na isang awitin na naisulat ko habang binabalik-balikan ko ang nagdaang isang taon na dumanas ka ng labis na sakit at ngayon ay hinihilom ng pagmamahal at ng pag-asa,” say ni Vice Ganda.

Full of angst ang pagkakaawit ni Vice Ganda at talagang damang-dama ang kanyang emosyon habang kumakanta. 

Truly, for him, it pays to be a Kapamilya from beginning to end.

Read more...