Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo

“SUNOG na sunog” ang laiterang netizen sa ginawang pagresbak ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Hindi pinalampas ng singer ang panglalait ng isang basher sa kanyang itsura at talagang pinagsabihan niya ito nang bonggang-bongga.

Nag-post kasi si Frankie sa kanyang Instagram page ng isang video kung saan makikitang enjoy na enjoy siya habang nakikinig ng kanta.

Maraming nag-like at nakomento ng positibong mensahe sa post ng dalaga pero meron ding mga nambasag sa kanyang trip, tulad na lang ng isang netizen na nang-okray sa kanyanf face.

Panglalait sa kanya ng basher, “Honest lang, maganda ka sana. Tabunan lang yong mata perfect na.”

Ipinost naman ni Frankie sa Twitter ang screenshot ng nasabing hate comment at sinupalpal ang netizen.

Bwelta ni Frankie, “Honestly lang, in what world is it okay to say this to anyone?”

Ipinagdiinan ng singer na hindi niya ikinahihiya na namana ang kanyang mga mata sa amang si Sen. Kiko Pangilinan at naniniwala siyang maganda ang lahing pinagmulan niya.

Hirit pa ni Frankie, “Nakakapagod na po. Minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo. Hindi opinyon ang pagmumukha.

“Mahal ko ang mga mata ko dahil namana ko mata ng tatay ko, na namana nya sa nanay nya, na namana ni lola sa lola kong haponesa.

“Gwapa mga lola ko kaya alam ko gwapa din ako hehe!” sey pa ng anak nina Mega at Sen. Kiko.

Ayon pa kay Frankie, sanay na sanay na siyang nilalait ng mga netizens pero hindi siya magdadalawang-isip na pumatol sa mga bashers sa social media kung kinakailangan.

Diin pa ng dalaga, hindi niya hahayaan na basta na lang siyang lalaitin ng mga bashers lalo pa’t alam niyang marami ring mga  kababaihan at kabataan ang naaapektuhan nang dahil sa pang-aalipusta sa socmed.

“Sanay na po ako i can laugh these things off really easily, but there’s something so upsetting about thinking there are little girls who’ve never been insecure of themselves and could read comments like this only to look in the mirror and see flaws they’ve never seen before,” paliwanag pa ni Frankie.

Read more...