Kilalang aktor at aktres todo tago pa rin sa tunay na relasyon; wala pang balak umamin

AYAW naming pangunahan kung kailan aamin ang kilalang aktor at aktres sa kanilang relasyon na walang label, pero exclusively dating daw, huh?!

Botong-boto kami at bagay na bagay naman silang dalawa dahil parehong matino, successful sa kanilang career at parehong may mga negosyo kaya hindi puwedeng sabihing nagkagustuhan sila para maggamitan.

Guwapo at maganda sina aktor at aktres kaya kung sakaling magkatuluyan ay tiyak na ang kalalabasan ng itsura ng magiging mga anak nila.

Siguro kaya ayaw pa silang umamin ay dahil baka gumulo lang ang relasyon nila dahil kapag nalaman ng publiko ay paghiwalayin sila o gawan ng maiintrigangkuwento. 

Mas maganda nga namam na tahimik na lang sila kaya walang isyu at sa totoo lang, hindi nga sila napapansin ng mga tao.

Pareho naman kasing busy sa kanilang respective career at pareho ring may mga natanggap ng acting award kaya talagang swak sila together. 

Tanggap din ng kani-kanilang mga pamilya ang isa’t isa kaya wala talagang problema.

Tinanong nga namin ang aming common friend kung hanggang kailan nila itatago ang kanilang relasyon.

“Busy pa pareho, kita mo naman parehong may projects,” say sa amin.

Ang alam namin ay parehong seloso’t selosa ang dalawa at in fairness parehong wala namang balitang may mga “sideline” sila.  Ha-hahaha.

Maraming babaeng nagpaparamdam kay aktor at karamihan ay mga katrabaho at mga kaibigan pa niya, pero hanggang ngiti na lamang siya dahil mayroon na siyang itinatangi.

May mga nagkakagusto rin sa aktres pero hindi taga-showbiz kasi nga alam na taken na siya. Pawang mga kaibigan ng pamilya ni girl ang mga may crush sa kanya kaya hindi rin talo.

Anyway, nagkakaedad na pareho ang dalawa, sana lang hindi nga sila mahuli sa biyahe.

Read more...