Arjo tuloy na ang pagpo-produce ng pelikula; sumabak na rin sa lock-in taping para sa bagong serye

FINALLY, ipinost na ni Arjo Atayde ang pangalan ng kanyang production house na pinlano niya ng halos dalawang taon.

Matagal na kasing pangarap ng premyadong aktor ang makapag-produce ng sarili niyang mga pelikula.

Sa pagkakatanda namin ay katuwang ni Arjo ang tiyuhin niya at kaibigan sa pagbuo ng sariling production company na pinangalanan niyang Feelmaking Productions, Inc..

Ibinahagi ni Arjo ang logo ng production outfit niya sa social media at may caption na, “As content creators, we chose to bring you the FEEL in our artistic expression.

“Follow our social media accounts to get more film updates of your next favorite films! FB: Feelmaking Productions Inc.; IG: @feelmakingprodinc; #FeelmakingProductions.”

Anyway, nasa Baguio City ngayon ang aktor para sa lock-in shoot ng bago niyang TV series ngunit hindi pa binanggit sa amin ang ibang detalye.

Sa pagkakaalam namin ay wala pang planong magdirek si Arjo dahil gusto muna niyang umarte sa harap ng camera.

Bago naman nag-shoot si Arjo ay siniguro muna niyang nai-deliver na ang mga sasakyang donasyon niya para sa mga barangay ng District 1 ng Quezon City na magagamit for emergency at pang-araw-araw na operasyon.

Nitong Hulyo 9 naman ini-launch sa Netflix ang dalawang episode ng pinagbidahan niyang iWant series, ang action-drama na “Bagman”.

“Yes po, it’s finally on Netflix. Ang dami na pong naunang Filipino series and movies sa Netflix but I’m very happy that we’re finally streaming (Bagman) only now,” pahayag ng aktor sa isa niyang panayam.

Tumayming naman ang pagpapalabas ng “Bagman” sa nalalapit na eleksyon at balitang kakandidato nga si Arjo bilang congressman sa District 1 ng Q.C..

“Even if it’s just a coincidence, with the national elections just around the corner, I can’t think of a better time for people to watch the series. I just hope that somehow, it will help them make the right decisions in choosing our country’s next leaders,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, “I believe in stories that have to be told. My passion as an actor goes beyond (karakter) and I always try to look for that depth in my character – something that I can learn – and definitely, Benjo has been an eye opener for me on so many levels.”

Si Arjo ay gumaganap na Benjo Malaya sa “Bagman” na naging gobernador at maraming natutulungan bukod pa sa malapit siya sa pamilya, at ganu’n din naman siya sa totoong buhay.

Read more...